Chapter 8: Beating

697 71 27
                                    

Chapter 8 - Beating


"When you choose to love, you also choose to be hurt."


~♡♡♡♡♡♡♡~


NAG-AALALANG hinanap ni Ren si Yannie. Pinuntahan niya kasi ito sa bahay nito matapos ang dismissal nila ngunit hindi niya ito naabutan doon. Tinanong niya ang ina ng kaibigan at ang sinagot nito ay sa ice cream parlor daw ito pumupunta sa tuwing may problema ito. Agad ay pinuntahan niya ito sa nasabing establishment ngunit wala ang hinahanap niya roon.

"Ren?" naglalakad siya sa kung saan-saan nang marinig niya ang tumawag na 'yon. Nilingon niya ito.

"Kris?" nasambit niya.

"Ren!" lumapit ito at binigyan siya nito ng yakap. "Nandito ka rin pala sa Pinas."

"Pina-transfer ako dito ni papa." Sagot niya. Si Kris ay nakilala niya sa States at isa sa mga nakakasama niya sa tuwing pupunta siya sa isang night club doon. Ka-schoolmate niya kasi ito sa parehong university at bartender din ng nasabing night club.

"Talaga? Tara, pasok ka muna sa bar kung saan ako nag-tr-training. Papakilala ko sa'yo 'yung kaibigan kong si Kai. Iniwan ko kasi siya do'n kasama ang isang babae."

Gusto niya sanang tumanggi dahil hinahanap niya pa si Yannie ngunit bigla ay nagkaroon siya ng pakiramdam na dapat nga siyang pumunta doon.

"Sige ba. Pero saglit lang kasi may hinahanap pa 'ko." Sagot niya.

"No worries."



"SA'N ka galing?" narinig ni Ren na tanong ng isang babae kay Kris pagkarating nila sa counter ng bar.

"Sa labas." Simpleng sagot ni Kris sa babae pagkatapos ay hinarap siya nito. "Ren, maupo ka muna."

"Salamat." Pagkatapos ay umupo siya sa harap ng counter katabi ng babae.

"Sino siya?" narinig niyang tanong ng babae kay Kris.

"Ren. Kaibigan ko from States." Sagot ni Kris habang pinaghahalo ang iba't ibang klase ng mga inumin. "Ren, meet Jessica."

"Hi, Ren." Bati ni Jessica at saka inabot ang kamay nito para makipagkamayan.

"Hello." At saka siya nakipagkamayan dito.

"Si Kai? Hindi pa ba 'yon bumabalik kasama 'yung babae?" tanong ni Kris kay Jessica.

"Nagsasayawan pa rin sila at mukhang nag-e-enjoy si Yannie."

Napatigil si Ren nang marinig niya ang huling pangalan na binanggit ni Jessica. 'Yannie?' Hinarap niya si Jessica at saka hinawakan ng mahigpit ang mga braso nito. "Aray!" sambit nito.

"Ituro mo kung nasa'n sila." Utos niya sa babae.

"Sino? Sina Kai?"

"Hindi ko alam kung sinong Kai 'yan basta ituro mo sa 'kin kung nasa'n sila."

Nagpumiglas ito sa hawak niya at saka hinagod nito ang braso nito. "Relax ka nga!"

"May binanggit kang Yannie 'di ba?"

"Oo. Siya 'yung kasama ni Kai—"

"Where is she?" pagputol niya. "Tell me now."

Taking A Step Towards You | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon