Chapter 13: Love

246 31 18
                                    

Chapter 13 - Love


"Thank you for meeting you..."


~♡♡♡♡♡~



"STAY with me... Yannie."

Gulat na nakatingin si Yannie sa mga mata ni Ren. Their faces were inches away at ramdam na ramdam ni Yannie ang matinding tibok ng puso ni Ren. 'Sabihin mo, Ren... Gusto mo rin ba ako?'

"R-Ren—"

"Ren!"

Agad nagpumiglas si Yannie mula sa mga bisig ni Ren nang marinig niya ang boses na 'yon na tumatawag kay Ren. Napatumba siya sa sahig dahil sa sobrang pwersa. "A-aray.."

"Yannie! Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Ren at saka bumangon ngunit bago pa siya tuluyang makabangon sa pagkakahiga niya ay bumukas ang pinto ng kanyang kwarto.

Napatingin sila sa taong pumasok. Isang medyo katandaan na lalake ang bumungad sa kanila.

Gulat pa rin na nakatingin si Yannie dito habang si Ren naman ay blanko lamang ang expression ng kanyang mukha.

"Ren..." Napadako ang tingin ng lalake kay Yannie na nasa sahig pa rin. Gulat ang namumutawi sa mukha nito. "Sino ka?"

"P-po? A-a-ako..."

"You're home, dad." Walang emosyong sabat ni Ren.

Dali-daling tumayo si Yannie. "G-good afternoon p-po.." Kinakabahang bati niya sa lalake.

Tumingin muli ang lalake kay Yannie, scanning her from head to toe. "Sino 'to, Ren? At ba't siya nandito?"

"Binisita niya ako."

"Siya lang? At dalawa lang kayo dito sa kwarto?"

"I'm sick baka hindi mo alam."

Natahimik saglit ang lalake. "Mag-u-usap tayo mamaya." Ani nito at saka hinarap si Yannie. "Makakauwi ka na."

"O-opo." Tugon ni Yannie at saka tumingin kay Ren. "Get well, Ren."

Nang binigyan ni Ren ng matipid na ngiti si Yannie ay dali-daling lumabas ng kwarto si Yannie. Halos manlambot siya nang makalabas siya ng bahay ng Hidalgo. Sobrang kinakabahan pa rin siya at ramdam na ramdam niya ang tensyon na namamagitan sa mag-ama. 'May problema ba sa kanila? Bakit nakakatakot ang tingin nun sa akin? Ayaw ba niya sa akin?'

Huminga na lamang siya ng malalim.

"Tatanungin ko na lang si Ren next time."



DALI-DALING humiga sa kama si Yannie matapos niyang maligo at magpalit ng pajama. Isang araw na naman ang natapos at pakiramdam niya ay maraming nangyari.

"Stay with me... Yannie."

Muli ay sumagi sa isip niya ang scenario na iyon kanina sa bahay ni Ren at hindi niya mapigilan ang magpagulong-gulong sa kama niya. Napahawak siya sa magkabilang pisngi niya. Ramdam na ramdam niya ang kiliti doon sa tuwing maiisip niya ang mukha ni Ren na nakatitig sa kanya kanina.

"Eeeeeeeehhhhh!!!" bigkas niya at sumipa-sipa siya habang nakahiga. Hindi niya na mapigilan pa ang kanyang nararamdaman. "Ano kayang ibig sabihin no'n? Gusto kaya niya ako?"

Taking A Step Towards You | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon