Chapter 12 - Missing
"Stay with me..."
~♡♡♡♡♡~
"THANKS, Ren." Pasalamat ni Yannie kay Ren nang marating na nila ang bahay niya. Nagpumilit kasi itong ihatid siya dahil madilim na at wala siyang kasama umuwi.
"Thanks din sa pag-aya sa akin kanina." Paalam ni Ren at saka binigyan ng isang nakakatunaw na ngiti si Yannie na siyang nagbigay ng init sa pisngi ng dalaga. "See you."
"S-see you. Sige na, umuwi ka na. Papasok na rin ako sa loob."
"Sige." Tugon ni Ren at saka na umalis.
Napangiti si Yannie. Ramdam na ramdam pa rin niya ang init sa pisngi niya at tila sasabog na ang puso niya sa sobrang kabog nito. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. 'Nagugustuhan ko na ba si Ren?' Para na siyang mababaliw sa tanong niyang iyon.
"When one took a step towards the other." Sagot ni Ren habang nakatitig ito sa mga mata niya.
Patuloy lang na tumitig din siya sa mga mata nito. Hindi siya sigurado pero nakita niyang may gusto itong sabihin sa kanya. Isang mensaheng nagbibigay dahilan lalo ng mabilis na tibok ng puso niya at init sa pisngi niya. Natameme lang siya. 'May sasabihin pa kaya siya?'
Nakaramdam siya ng pagkadismaya nang biglang umiwas ito ng tingin sa kanya at saka ibinalik ang tingin sa ilog. Tumikhim ito. "D-doon mo malalaman, Yannie."
Napayuko na lamang si Yannie. "O-oh.."
"Pero Yannie.." napatingala si Yannie sa katabi, tinitingnan ang mga mata nitong nakatingin sa malayo. "Ka-gusto-gusto ka. You are someone a guy can really like."
Napangiti muli si Yannie nang maalala niya iyon. 'Kinikilig ka na namang babae ka.'
Napailing na lamang siya sarili niya.
"Yannie.." bubuksan na sana ni Yannie ang gate nang marinig niya ang tumawag na 'yon sa kanya. Alam na alam niyang kay Jerson ang boses na 'yon.
Tumalikod siya ngunit bago pa niya makaharap si Jerson ay hinawakan nito ang magkabilang balikat niya, pinipigilan siya na makaharap nito. "Ganyan ka lang.. please.."
Hindi na lamang umimik si Yannie at sumunod sa sinabi ng kababata.
"Alam kong galit ka pa sa akin, Y-Yannie.. at alam kong sinusubukan mo nang lumayo sa akin." Patuloy ni Jerson. Ramdam ni Yannie ang nanginginig na kamay nito sa balikat niya. "K-kung 'yan ang gusto mo... Okay... H-hayaan m-muna... kita."
Dinig na dinig ni Yannie ang biyak na pananalita ni Jerson na siyang dahilan ng matinding paninikip sa dibdib niya, 'Umiiyak ka ba, Jerson?' Iikot sana siya para makita si Jerson pero katulad ng inaasahan ay hindi siya hinayaan nito. "H-hwag mo 'kong tingnan.. huwag."
Hindi alam ni Yannie ang isasagot. Naramdaman na lamang niya ang marahan na pagtulo ng mga luha niya. Hindi siya sanay sa ganitong side ni Jerson.
"Sinasabi ko 'to sa'yo para malaman mong hinahayaan na kita. Siguro nga, Yannie. Siguro nasanay lang ako na lagi kitang kasama. Pero ngayon... okay lang kung gusto mo na akong mawala sa buhay mo," naramdaman niya ang paglunok nito kasabay ang pigil na hikbi na siyang mas lalong nagbigay sa kanya ng mabigat na pakiramdam. "I will respect that, Yannie. I-ingatan mo p-palagi ang sarili mo..."
BINABASA MO ANG
Taking A Step Towards You | ✔
Teen FictionLanguage: Filipino-English Mahal niya na... ngunit ayaw siyang mahalin. Nagsimula ang lahat sa hopeless na pag-ibig ni Yannie sa kanyang kababata na siya namang nagdulot sa kanya na makita at mahulog sa bagong kaibigan nila sa kolehiyo. At oo, nahuh...