11

1.2K 66 5
                                    


RAMDAM kong nakatingin sa akin si Lolo Hank pero patuloy lang ako sa paghahanda ng almusal namin. He didn't go out for his usual morning walk. Nakayuko ako at panay ang iwas ko sa paningin niya. Alam ko na mapapansin niya ang mga mata ko. Hindi ko maitago nang husto ang naging pag-iyak ko.

"Talaga bang ayaw mong kumuha ng regular na makakasama rito sa bahay?" tanong ng matanda habang tinutulungan akong maghain. "Iyong araw-araw na magpupunta rito. Magluluto at maglilinis."

"Hindi na po. Kaya ko naman na po. Twice a week na pong papasok si Ate Elsie para maglinis at maglaba para sa atin. Hindi naman po tayo masyadong alagain. I like preparing breakfast."

"Okay."

Nakahinga ako nang maluwag nang hindi na niya ako gaanong inusisa. Nakikita ko ang concern niya pero parang alam talaga niya kung kailan ako hahayaan at kung kailan ako kukulitin.

Patapos na kami sa pag-aalmusal nang tumunog ang phone ni Lola Hank. Nakasanayan na niyang may phone palagi sa tabi niya para sa mga emergency. He always made himself available for the people who needed him.

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya. "It's your brother." Bahagya siyang nasorpresa dahil madalang na madalang tumawag sa kanya ang kuya ko nang hindi scheduled. Sinagot niya ang tawag. "Hello, James. This is a nice surprise. I'm doing fine. We're having breakfast. How are you?"

Sandali niyang pinakinggan ang anumang sinasabi ng kuya ko sa kanya. Masasabing hindi gaanong close sina Lolo Hank at James pero naroon ang pagmamahal at hindi mawawala.

Iniabot sa akin ni Lolo Hank ang phone niya kapagkuwan. "Nakapatay raw ang phone mo."

Tinanggap ko iyon. Pinatay ko ang dalawang phone ko kagabi at iniwan sa studio. I needed time to just breathe and process everything.

"Hey," sagot ko.

"You're trending."

"What?"

"You're trending. Or your ex is. Your pictures together kissing are all over the Internet."

Natulala ako. Kinailangan ko ng ilang sandali para talaga iproseso ang sinasabi ng kapatid ko. Hindi ko kayang paniwalaan. Hindi sumagi sa isipan ko na maaaring mangyari ang bagay na iyon.

"You didn't tell me you met the man when you were here. This is why he called me and asked for your number. What were you thinking? You're involved in a cheating scandal!"

"Oh, my God," usal ko. Naunawaan ko naman ang mga sinasabi niya pero hindi ko alam ang gagawin pagkatapos. Parang bigla na lang nablangko ang isipan ko.

"I will try to keep this from Mom and Dad, from Halmeoni and Gramps. They're not into pop culture or entertainment or bands. But let's hope no one recognizes you with those pictures, Yani."

"Oh, my God," ang tangi ko uling naiusal. Mas nahihirapan na akong huminga.

Naramdaman ko ang pagbuntong-hininga ni James sa kabilang linya. "We'll fix it. I'll call the bastard and demand he fix this. I'm gonna kill him. How can he–"

Hindi ko pinatapos ang mga sinasabi ni James, pinutol ko ang tawag niya at nagpakaabala ako sa phone.

"Ano'ng nangyari?" tanong ni Lolo Hank. Hindi na maitago sa tinig niya ang pag-aalala. "May nangyari ba sa mga magulang mo?"

"Hindi–Wala po," nagawa kong sabihin habang abala ang mga daliri ko sa phone. "May something lang na... Mom and Dad are okay. James is okay. I'm just... trending."

Napatitig ako sa screen ng phone nang makita ko na trending nga si Roarke at The Sleepwalkers. Mostly sa US at mga territory na sikat ang banda, pero hindi sa Asia o sa Pilipinas in particular.

I opened a link that would let me view the photos that were circulating. Hindi gaanong malinaw ang larawan. Parang kinunan mula sa malayo at ginamitan lang ng zoom. Pero hindi maikakaila na si Roarke ang lalaki. The first photo was us having an argument. Then the next one was me and Roarke in a lip-lock. Nakunan pati ang pagsakay namin sa town car.

These photos and so many speculations were out there, spreading like a wildfire.

Naramdaman ko ang paglapit ni Lolo Hank pero hindi ko magawang alisin ang mga mata ko sa mga larawan. I could not think. I was flooded with emotions. I didn't know how to deal.

"Is that you?" tanong ni Lolo Hank.

Halos wala sa loob na tumango ako.

"Who's that man?"

"R-Roarke."

"Nagkabalikan kayo?"

Umiling ako, mabilis na namuo ang mga luha. "He's married, remember?" I told him before.

"Oh, Yani."

Binitiwan ko ang phone. "I'm sorry," usal ko. "I'm so sorry." Nabasag ang tinig ko at hindi ko na napigilan ang mapaiyak. I couldn't look at him. I could not bear the disappointment I would see in his eyes.

Niyakap ako ni Lolo Hank. Lalo lang akong napaiyak.

"Paano ko ito nagawa?" Alam ko naman talaga kung bakit, pero hindi pa rin maikakaila na napakalaking kasalanan niyon. How could I even forgive myself for this?

Ayaw akong iwan ni Lolo Hank pero pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Sinabi ko na kailangan niyang magtungo sa klinika. May mga pasyenteng maghihintay. Hindi ko gustong nag-aalala ang matanda sa akin. Hindi siguro maiiwasan dahil mahal niya ako, pero kailangan ko ring pakitunguhan ang lahat ng ako lang.

Hindi talaga ako iiwan ni Lolo Hank kung hindi dumating si Robyn. Niyakap niya ako nang mahigpit at bahagyang gumaan ang lahat. I had people I could lean on. I had people who loved me.

The Way It Was - Abridged (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon