Now
PAGDATING ko sa klinika ay kaagad akong nagtungo sa laboratory. Oscar was up first. Maigi na lang at wala na siyang pila by the time na pumasok ako sa maliit na opisina niya. Nginitian niya ako nang matamis.
"Yani, gumaganda ka," bati niya.
"You want me to hire another tech?"
"Please?"
"Ano ang sabi ni Pippo?"
"Ikaw ang in charge sa hiring. Sa 'yo muna dapat sinasabi ang mga ganitong bagay."
"Uh-hmn."
Nginitian niya ako. "Budget is tight. Pero dumarami na ang mga pasyente ng lab, Yani. Humahaba na nang humahaba ang pila. Mas dinadayo na tayo ng mga nagpapa-medical dahil mas mura ang packages natin. Kahit na ang night shift ay nagiging busy na madalas. Kahit na intern na lang for dayshift."
"I will see what I can do."
"Thank you."
Sunod kong kinausap ang head ng radiology. She wanted new equipment. It was not within our budget. Kinausap ko rin ang head ng maintenance. Wala namang problema.
I spent some time in my office. I wanted to talk to Pippo pero bumaba na muna ako para kumustahin si Lolo. Ako na ang naghanda ng taho niya para sa umagang iyon.
Natiyempuhan ko na patapos na siya sa huling pasyente. Wala pang bagong pasyente.
"Pinagmeryenda mo na ba ang asawa mo?" tanong ni Lolo Hank bago dinala sa bibig ang mug.
"Woah!" ani Abby na nasa klinika rin. Namilog ang mga mata niya. "Asawa? Ano'ng asawa? May asawa ka, Yani? Parang kahapon lang pinag-uusapan natin ang pagtandang-dalaga mo. Ambilis naman lumitaw."
"Lolo!" Tiningnan ko nang masama ang matandang mahal na mahal ko. How could he do this to me? How could he just blurt that information out?
I loved Abby. She was not just someone from work, I loved how she had taken good care of Lolo since she started working there. They were good partners and they loved each other. We were basically family at this point.
At hindi ko naman talaga planong itago ang lahat sa mga taong importante sa akin. Pero hindi naman sa ganitong paraan ko ipapaalam.
"She got married in Vegas," walang anumang sabi ni Lolo Hank kay Abby.
"Oh, my God!" bulalas ko.
Napasinghap si Abby. "Seryoso? Isang linggo ka lang sa States, Yani."
"I know," patuloy ni Lolo Hank na mukhang hindi apektado ng tingin ko. "Such a movie, right?"
"It is not a mo–" Tumingin ako kay Abby na abala na sa kanyang phone. "Who are you texting?"
"No one," mabilis niyang sagot. Ibinalik niya sa bulsa ang phone. "So this husband is here?"
"Nasa bahay," sabi ni Lolo Hank.
"Seryoso ba talaga?" ani Abby. "Hindi n'yo ako pinaglololoko?"
Bumuntong-hininga ako. "It's a really long story. Magpapaliwanag ako sa ibang araw. Hindi ko pa talaga sigurado kung kasal ako."
"Paanong hindi mo sigu–Oh! Vegas!" Parang naunawaan na ni Abby. "You are not the type, but–"
"Who's married?"
Napatingin ako kay Pippo na mukhang nagmadaling nagtungo sa loob ng klinika ni Lolo Hank. Naipikit ko ang aking mga mata. "Great," I muttered. "Thank you so much, Lolo."
Ipinagdasal ko na may dumating nang pasyente pero parang hindi ako kinakasihan ng pagkakataon. I told my friends a very abridged version of what happened. I was young and was in a relationship. We parted ways. I wasn't aware that we got married in Las Vegas when we went there. I didn't remember it ever happened. But I saw my ex when I went to the US recently and I discovered he was not my ex, he was my husband.
BINABASA MO ANG
The Way It Was - Abridged (Complete)
RomanceNang bisitahin ko ang asawa ng namayapa kong kaibigan, hindi ko inasahan na makikita ko uli si Roarke, ang lalaking labis na minahal ng bata kong puso. Ang sabihin na hindi ako handa sa salakay ng mga emosyon ay kulang. He was still beautiful and it...