17

1.1K 67 5
                                    

Now

I SET my ramen bowl and drink on the table. Inalis ko ang mga pagkain na nasa airfryer at inilagay rin sa mesa. Ingat na ingat ako sa pagkilos dahil ayokong magising ang lolo. Hindi ako makatulog at inasahan ko naman na. Imbes nga lang na magkulong sa studio ko ay nanatili ako sa loob ng bahay at gumawa ng midnight snack.

Korean ramen with cheese, mandu and soft drink. Nakahanda na ang ice cream sa ref bilang panghimagas. Nag-dinner naman ako pero sa dami ng kailangan kong iproseso at isipin, parang na-burn ko na lahat ng calories.

Kauupo ko lang sa harap ng mesa nang maramdaman kong may bumaba sa hagdan. Hindi ko na kailangang lumingon para alamin kung sino iyon. Naramdaman ko na lang.

Hindi ko pa rin talaga ganap na naipoproseso na nasa malapit lang si Roarke, na nasa iisang bubong kaming dalawa sa kasalukuyan. Lalong hindi ko pa rin naipoproseso na ako ang asawa niya.

Sa isang iglap, parang labis na nagbago ang buhay ko.

Pero kakatwa, mas ramdam ko ang kapayapaan at kaginhawaan. Parang kumakalat iyon sa buong pagkatao ko. Alam kong marami akong kailangang ayusin at dapat na isipin, pero ramdam ko rin ang kapayapaan. Magagawan ko naman ng paraan ang maraming bagay. Parang may kasiguruhan na magiging maayos ang lahat.

Siguro ay dahil iyon sa hindi ko na kailangang pahirapan pa ang sarili ko sa kaalaman na pumatol ako sa isang may-asawa. Siguro dahil sa realisasyon na hindi naman pala ako nakagawa ng malaking kasalanan, na hindi ako nakasira ng marriage. Hindi ko kailangang parusahan ang sarili ko.

Malaking ginhawa iyon sa akin.

Naupo si Roarke sa tapat ko. Tumingin ako sa kanya. Binuksan ko ang ramen bowl at dinampot ang chopsticks. "'You want some?" tanong ko.

Umiling siya. "Those noodles look deadly."

Tumango ako bago ako nagsimula sa pagkain. It was the spiciest Korean noodles that I had in stock.

"I'm glad to know you're eating spicy noodles again when you're stressed," aniya sa banayad na tinig. May munting ngiti sa kanyang mga labi. "What did you say back then? Pain cures pain?"

"Spice increases the levels of serotonin and endorphins," sabi ko matapos kong lunukin ang nasa bibig ko. Inabot ko ang tissue na nakahanda na talaga sa mesa nang maramdaman ko ang uhog ko.

Patuloy ako sa pagkain kahit na medyo naiilang ako dahil pinapanood niya ang bawat galaw ko. "There's ice cream in the freezer. If you want some, help yourself."

Nginitian niya ako. Medyo nakahinga ako nang tumayo siya at tinungo ang kinaroroonan ng ref. Pagbalik niya ay dala na niya ang isang gallon ng ice cream at dalawang kutsara.

Sa loob ng ilang sandali ay tahimik kaming kumain.

"This may sound weird but it really makes me so happy to see you eat this way again," aniya.

I drank my soft drink. There was a time when I had stopped eating. I didn't let myself eat junk. I deprived myself so much to be the perfect skinny girlfriend. I was miserable but I made myself believe I had to do it for him. I had to be beautiful and perfect. It felt like an obligation to be the girlfriend.

"You shouldn't be here, Roarke," sabi ko na lang dahil hindi ko gustong pag-usapan ang tungkol doon. Hindi ko rin sana gustong balikan. It was still hard for me.

"But I'm here," he said.

"Your band is in trouble. Have you seen the reports and articles? You should be there handling this."

Naipikit niya ang mga mata. I could clearly see the stress on his face. "I was on the plane when the news broke."

"You should be on a plane right now to take care of it. You should take care of this. It's very important."

The Way It Was - Abridged (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon