31

1.2K 62 7
                                    

Now

I WOKE up a little disoriented. Sa pagkakataon na ito ay alam ko naman na nasa sarili kong kama ako. Pakiramdam ko lang ay hindi karaniwan ang gising na iyon. It felt different.

I felt different.

Maybe because I was warmer. Hindi dahil sa kumot na nakadantay sa akin kundi dahil sa katawan na nakasiksik sa likod ko. May braso na nakasampay sa akin. Roarke slept with me.

We literally just slept.

But it felt so good to just be with him. It felt so good talking to him about mundane stuff like we used to before.

Maingat akong gumalaw para mapaharap ako kay Roarke. He was still sleeping. Pinagmasdan ko lang siya. Parang nahihirapan akong paniwalaan na naroon siya.

I watched him until he started waking up. He opened his eyes and he saw me. Unti-unti, sumilay ang napakagandang ngiti sa mga labi niya. Muli niyang ipinikit ang mga mata habang hindi nabubura ang ngiti niya.

Halos wala sa loob na napangiti na rin ako.

This was absolutely the best way to start the day.

Gusto kong manatili sa higaan at pakatitigan ang mukha niya o makipagngitian sa kanya pero naalala ko na wala nang Aling Azun na maghahanda ng almusal kapag tinanghali ako ng gising. I had to get up. Roarke got up with me.

Halos kasabay naming lumabas si Lolo Hank sa kuwarto niya. Natigilan ang matanda nang makita kaming lumabas sa iisang silid. Ibinuka ko ang bibig ko para magpaliwanag sana pero inunahan na ako ng matanda.

"Mag-asawa kayo," aniya na para bang mas sa sarili niya ang paalala na iyon kaysa sa amin. Tumingin siya kay Roarke. "We're going for a walk. You need more sun."

Nakangiting tumango si Roarke.

Nilapitan ko na lang si Lolo Hank at hinagkan sa pisngi.

Pagbaba namin ay kaagad naming narinig ang doorbell. Nangunot ang noo ko dahil masyado pang maaga. Noong wala pang Healing Hearts, karaniwan na ang doorbell sa mga alanganing oras. May pasyente na nangangailangan ng emergency care o kaya naman ay sinusundo si Lolo Hank ng kapitan o tanod para sa isang medical emergency sa kung saan. Kahit na anong oras pa iyon, babangon si Lolo lalo na kapag emergency. Pero mula nang magkaroon ng emergency room sa klinika ay wala nang nagpupunta sa bahay.

Baka naman kaibigan o kapamilya? Pero masyado pang maaga.

Binuksan ko ang front door at tinanaw ang gate. Hindi ko inasahan ang taong nasa labas ng gate. "Roarke," tawag ko. "Your assistant is here," imporma ko bago ako lumabas para pagbuksan ng gate si Bobby na ngumiti at kumaway nang makita ako.

"Did I wake you? I'm sorry," aniya. "Good morning, by the way."

"Good morning." Binuksan ko ang gate. "Are you usually this energetic in the morning?"

"No, I haven't slept." Dinampot niya ang ilang bag na noon ko lang napansin na nasa paanan niya. Mayroon ding mga supot na may tatak ng sikat na fastfood restaurant. Tutulungan ko sana siya pero inunahan na ako ni Roarke na hindi ko namalayang nakasunod na pala.

"What are you doing here?" tanong ni Roarke kay Bobby. Mukhang hindi siya gaanong masaya na makita ang assistant niya nang umagang iyon.

"I brought breakfast," nakangiting sabi ni Bobby imbes na sagutin talaga ang tanong ni Roarke.

"Where's your driver?" tanong uli ni Roarke.

"I sent him away. I'm staying here." Tumingin siya sa akin. "Please?"

The Way It Was - Abridged (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon