Myien's P.O.V.
"Ang Panliligaw hindi yan ang pinapatagal. Kundi ang Relasyon dapat"
Yun yung mga linyang binato ni Steve sa isipan ko. And until now, those words still echoed in my mind. Eh, ano ba yung dapat kong gawin? Sasagutin ko na siya? Hindi pa nga kabilang yung pagre-relasyon sa vocabulary ko eh. Atsaka, hindi ako mahilig sa ganung bagay nu. To be honest nga eh, I'm not really easily attracted sa boys. Yung tipong, masaya na ako sa sarili ko. Hindi matamis, hindi matabang at hindi mapait sa pag-ibig. Pero, nag-iba na lang yung lahat nang ito, nang naging bahagi na ng buhay ko ang isang 'GAGO', na una kong nakilala bilang isang Simpleng Seatmate.
"Agags!! Agags, wait lang!!!" he shouted behind my back as I was walking down the halls of the school.
Lumingon naman ako.
"Bakit? Ano yun??"
"Umm. Yung about the night at the beach? Umm, gusto ko lang sana ulit malaman yung sagot mo," may buhat pa siyang boxes from the library.
I smiled. "Hindi." tigas kong sagot and turned my back to walk away.
"Huh?! What do you mean na hindi?"-he exclaimed before me, atsaka naman ako tumalikod.
"Haays. Hindi. I mean ayoko na muna Steve." I confessed.
"MUNA?? I'm waiting for years and you would just say, Ayoko muna? So, kailan yung gusto mo Myien? Tell me, at maghihintay ako," sagot naman niya. And I know, disappointed na siya. "Maghihintay ako ulit."
"Kaya mong maghintay sa tamang panahon?"
He was Unhappy. Obvious naman eh.And ang worse pa dun eh, nakokonsensya ako sa sinabi ko. Ewan ko naman kung bakit yun yung sinagot ko. Parang, may galit ako sa kanya. Eh final week pa naman ng buwan yung 'ano' ko. XD
"Bakit ba kayong mga babae eh ang hilig sa Right Time?" inilagay niya ang mga boxes niyang dala at sinabi yun.
"Bakit ba kayong mga lalaki eh ang hilig sa pagmamadali?"I answered
"Pagmamadali? Pagmamadali ba yung ipinapakita ko? Myien it's been years, at napatunayan ko na sa'yo na mahal na mahal na kita. Ano pa ba?" he defended.
"Let's say, Oo. Noon ka pa naghihintay. Pero Steve, ayoko ko pa ngayon eh. May tamang oras para diyan. At sa tingin mo ba, kung sasagutin kita ngayon, eh masisigurado mo nang, magiging tayo habang buhay? Hu! Pinapaasa ka lang ng poreber mo!" pag sisinuplada ko sa kanya at umalis na lang ako, without letting him to say anything. Alam kong napakasakit ng mga nasabi ko. Pero hindi lang siya yung nakaramdam nun. Maging ako.
********************
Steve's P.O.V.
Hello. I'm right here sa likod ng room. Walang tao dito. And so, mag isa ako. Hindi ko akalaing ganito yung mangyayari. I was very satisfied at first na gusto niya ako. Mahal niya ako. Pero wala eh. Kailangan nating maghintay. Pero minsan, I am realizing na, dito mas swerte pa talaga ako. Kasi may hinihintay ako, while yung iba, ay hindi alam kung ano ang parating. Ang Love kasi ay isang malaking Waiting Shed yan. Yung ibang tao, ay nakasakay na sa mga dumaraang sasakyan. Yung iba ay naghihintay pa. At yung iba naman, kung may dumaan man, ay hindi pa rin sigurado, kung makakasakay sila.

BINABASA MO ANG
6 CELLS
Teen FictionHanggang saan ba ang sukatan ng Pagkakaibigan? O May sukatan nga ba talaga ang Pagkakaibigan?It's just like a song. It needs a nice rhythm, words and a heartfelt story to end up meaningful. And let this aspiring band tell us more about Friendship wi...