Kateleen's P.O.V.
Kurt was really out of his mind kahapon. If he was jealous, edi sana sinabi niya kaagad sa'kin. Hindi yung mambastos muna siya ng iba. Well, in the first place, ano ba yung dapat niyang pagselosan sa'min ni Phil? Since bata pa kami, ganun naman talaga kami ka close eh. Sometimes, we annoy each other at minsan naman ay daig pa namin ang asukal sa ka-sweetan. Pero, kahit ganun paman, ni minsan ay hindi nahulog yung loob ko sa kanya. Walang spark kumbaga.
Yeah! I admit it again. Si Kurt lang naman yung ultimate crush ko since the day that I met him. Hindi lang sa looks niya, o di kaya'y sa broad voice niya, kundi dahil na rin sa bigatin niyang personality. Back to the time na in Stalker Mode pa lang ako, I must say na nahulog na yung loob ko sa kanya. Pero ngayon na siya na naman yung naghahabol sa'kin, eh ewan ko kung bakit todo ayaw ko naman. Maybe, it's all about that stupid Right Time. Pero, ang babaw ng rasong yan eh. And I think it's the most used cliche ng mga babaeng pakipot. But I know, that deep inside ay hindi lang right time yung dahilan. I could consider my 'past'.
When we were back at school, nagkakailangan kaming dalawa ni Kurt. Siguro kung siya lang aantayin kong mag-usap sa'kin nang una, ay tiyak aabutin kami nito ng susunod na dekada.
"Good Morning!" Ms. Stella exclaimed that very morning na siya namang kakatapos lang ng Flag Ceremony. Kurt's 5 seats away from me.
"Good morning Ms. Stella," we responded with a smile kasi alam naming maganda yung modo niya ngayon.
"At akala niyo naman ay tuwang-tuwa ako sa mga plastik nating greetings sa isa't-isa no?" (AIIII??) her smiles suddenly changed into anger.
"Nasaan yung Cleaning Group Number 4?" and then yun! Kami pala yun (including Kurt) . We slowly stood up, (at syempre nakayuko ang lahat,)
"Labas!" sigaw niya. "Labas sabi eh!" she added kasi ni-isa ay walang kumilos.
"Hindi kayo makakapasok sa classroom na ito, hanggang hindi natatapos yung period ko!" sigaw pa niya habang palabas na kami, (may Dine in na nga, dadagdagan pa niya ng Take out -_-)
"Naku, si Maam naman ohh. Ano naman yung paki nila sa Regla niya?" Rovic whispered sa mga katabi niyang puro sira ulo rin.
"Huh? bakit napasok yan sa usapan?" Kyle answered.
"Ehh, sabi niya kaya. Sabi niya, hindi raw sila makakapasok sa classroom hanggang hindi matatapos yung 'PERIOD' niya. Naku, idadamay pa yung buwanang daloy. Nakakabobo -_-"-Rovic
"Hahahaha. Ibang period yun, tanga," sagot naman ni Louie, and then silang lahat naman ay walang humpay sa kapipigil ng kanilang tawa.
"Atsaka, nasa menopausal period na yan nu!" they all laughed again. Yung tipo ng tawang ULOLISM- (Ultimate Laughing Out Loud In Silent Mode) XD
"Teka, huwag niyong pigilang lumabas yung hangin sa mga bunganga niyo! Kundi sa ibang butas yan lalabas!" Dave muttered atsaka, they all explode in laughters. In which, narinig ni Maam.

BINABASA MO ANG
6 CELLS
Teen FictionHanggang saan ba ang sukatan ng Pagkakaibigan? O May sukatan nga ba talaga ang Pagkakaibigan?It's just like a song. It needs a nice rhythm, words and a heartfelt story to end up meaningful. And let this aspiring band tell us more about Friendship wi...