Kateleen's P.O.V.
Hindi ko siya gaano ka kilala.
Ni ngayon ko nga lang siya nakita after how many years.
Oo pinsan siya ni Louie. Pero hindi sapat ang rasong yun para pagkatiwalaan at papasukin siya sa grupo.
Masasabi kong hindi naman ako ang lider ng G.L. pero for somehow, eh member naman ako. So I have the right na mag desisyon rin. At alam niyo ba kung ano ang naging desisyon ko?
Haha. Lakumpake. >=]
Sa panunuot pa lang niya di ko na type. Pati na rin yung the way she talks. Ang landi sa tenga ko eh. Ewan ba kay Rovic kung bakit niya napulot yung babaeng yun. Sa karami rami bang fans sa mundo? Siya pa?
Like duh?
"Kita mo na yung ginawa mo Kate? Narinig niya ang lahat! Lahat lahat!! Di ka na nahiya sa sarili mo! Kung makapanghusga ka, akala mo kung sino ka na!" nakakabingi ang sigaw sakin ni Reyn. Pero hindi sa tenga, kundi nakakabingi sa damdamin. :(. First time kong mapagsalitaan ng ganun. Kaya ang sakit sakin. She went out at siguro'y sinundan yung BESTfriend niyang baguhan. At aba!! Putris naman oh! Talagang sinundan pa siya nina Felizzia at Maisie!. Grrrr. Di naman ako mali ah?.
"Myien??" nag puppy eyes pa ako sa kanya dahil siya na lang yung natitira upang samahan ako. Pero----
"Tigilan mo nga ako Kateleen!! Away niyo yan. Kaya wag kayong maghanap ng mga kakampi niyo okay?"
Aba? O.A nito. Di pa nga ako nakakapagsalita. Grrrrrrr!!!!! At umalis rin sya. I feel so traidora na ngayon. I feel so kontrabida. I feel so, I feel soooo. So, SELFISH.
Ngayon, mag isa na lang akong naiwan dito sa room. Hihintayin ko na lang yung next period.
Total babalik at babalik rin naman sila dito. Dito pa naman yung mga bag nila eh. Haay. Tumahimik ka jan Kateleen! Ginusto mo to. Kaya magdusa ka jan sa pagiging alone at boredom ng buhay kapag wala ang mga malditang mataray na yun. :("Uui! Kate?? Bakit mag isa ka dito??"
Aii? May plano pa palang magparamdam tong BOYFRIEND ko.
"Wala lang. Gusto ko lang ata? Iniwan na kasi ako ng mga taong inakala kong hindi mang iiwan. Tapos yung isang taong pinagkatiwalaan ko naman, ngayon lang nagparamdam. Ni di ko nga naramdamang binigyan niya ako ng oras niya at concern eh" sagot ko.
"Ang korni mo na Kate," sagot pa ng ulol na Kurt na 'to.
"Anong korni???! Hoy! Anak ng batugang nilalang!! Di mo alam yung nararamdaman ko ngayon! Palibhasa, kailan ka pa ba nagkaroon ng paki sakin? Simula ng naging tayo at nagtagal tayo ni di ko nga naramdamang TAYO. Yan naman talaga kayong mga lalaki eh, ang sweet sweet pag nanliligaw pa lang. Napaka caring at napaka concern. Pero pag tumagal na ang relasyon, aba ayon, dun na magsisimula ang BAHALA NA era. Yan lang naman kayong mga lalaki eh. Parang chewing gum. Habang tumatagal, nakakawalang lasa"
"Teka lang ha. Bakit napunta sakin yung galit mo? Kung galit ka sa mga kaibigan mo, well then, ibahin mo'ko. Btw, alam ko na yung iringan niyo. Pero gusto ko yung mas detailed. Sorry but I think I should ask you."-siya.
"Sorry but I wont tell you," paninigas ko.
"Sige na. Pakipot ka pa eh."
Eh, na carried away rin ako. Kaya nasabi ko ang lahat sa kanya. Hindi ko rin naman ma resist yung appeal ng lalaking 'to eh. Alam niyo naman diba? Since then, na stalker pa lang ako (tho di ako panget) eh baliw na baliw (baliw lang) ako sa kanya. Pero, di na masyado ngayon. Siya na ata yung baliw sakin. Haha. Eksdie.
"Alam mo, may kakilala akong makakatulong sa'yo sa pagkilala kay Amanda."
"Excuse me. I dont need to know that girl. Kasi sa bawat apak pa----" di ko na natapos yung sinasabi ko nang bigla niya kaagad dinugtungan.

BINABASA MO ANG
6 CELLS
Teen FictionHanggang saan ba ang sukatan ng Pagkakaibigan? O May sukatan nga ba talaga ang Pagkakaibigan?It's just like a song. It needs a nice rhythm, words and a heartfelt story to end up meaningful. And let this aspiring band tell us more about Friendship wi...