Chapter 23: Girls' League

67 5 0
                                    

a/n: At dahil pasukan na rin, this chapter is a Pasukan Special. Haha. Anyways, ang chapter na to ay pupunuin ng katarayan, kamalditahan, at kakikayan ng Girls. Sa kanila na muna ang chapter ngayon. xD

Steve and Dave

*************

Reyn's P.O.V.

Pasukan na naman ulit. Haays. Ang sarap pakinggan nu?? Sori, ang sweet ko pagdating sa klase. Syempre dahil may allowance. XD

Grade 10 na kami ngayon. 2 years na lang at matatapos na tong HS fever namin. Kakalungkot lang, dahil magkakahiwalay na naman kami.

Anyways, let's put the drama away muna. Let's talk about the barkada. Syempre naman, dahil alam naming may banda't dabarkads yung boys, e nagtayo rin kami ng amin. Girls' League kumbaga. Tho, kahit di man ganun kasosyalan yung name, e A+ na rin yun samin. Kaya, okay na.

We unexpectedly built the group. Actually, mostly sa'min ay may connection sa 6 cells, which made us, their group interest. HAHA JOKE.

Si Myien kay Steve, si Kate kay Kurt. Ewan lang kina Felizzia at Dave (o.O) Eh si Maisie kaya? Yung newbie sa grupo, (remember?) At yung reigning 1st honors namin. -.- . Di naman namin siya hate eh. Pero, ewan lang kay Louie. Wait.. Tama! Si Louie na lang at si Maisie! Pero, parang anlabo. Daig pa ata nila yung North at South Korea kung magkataon. Eh ako naman? Pwee. Alangan naman kay Kyle ako? Eh kapre yun! Takong niya lang ata ako. Si Rovic? Naks, may Amanda na yun. Pero wala yung babaeng yun sa grupo eh. So I can say na, di qualified yung mga ganung babae. Haha . (Sige ako na yung Tambalan Maker.)

Eh pero, panu naman ako? Well well well, mananatili na lang akong Bestfriend ng 6 cells. Sapat na ata yun. :)

"Asan na si Maisie??! Dapat andito siya ngayon! Dali" Felizzia exclaimed nang pipili na kami ngayon ng clubs na sasalihan namin. We chose the Drama club. Haha. Ohh diba? XD . At siyempre, yung Arts and Music. Ano pa ba naman yung silbi ng sexiest naming mga boses kung hindi mae-expose diba? Haha. Atska, eto lang ata yung way na maka jamming jamming palagi yung boys. Kasi naman, kung ano yung sasalihan ng girls ay ganun rin yung sasalihan ng boys.

Gaya gaya.

Asan na kaya si Maisie? Siya na lang yung hindi naka sign sa club eh. Grrr. Huwag niyang sabihin na natututo na siyang mag iba sa'min. Sayang lang yung tambalan creations ko. Haha

"Pabayaan niyo na yun. Di naman siya gaano ka---" Louie said when suddenly someone arrived that very very well.

"Oh san ka galing?" I asked Maisie when she arrived. Suot niya na naman yung eyeglasses niya. Pinapabagay talaga yung sarili kay Louie eh. XD

"Sorry. Nakichismis pa ako eh," she answered

Aba, may attitude rin pala tu e.

"Huh??! Kanino?"-Myien.

"Kina Maam.. Ehh, hindi kasi kinaya ng chismosa kong I.Q kaya nagawa ko yun"-sabi pa niya.

"Sabihin mo na lang kasi ng diretso! 2030 na di mo pa nasasabi," Kate said.

"Eh kayo naman kasi eh. Dada ng dada" angal niya. "Narinig ko lang naman na pinaguusapan ng teachers yung about sa late enrollee. Akalain ba naman? Star section kaagad. Di porke't half lang, and born with a silver spoon and golden pinggan at lamesa ay mag sa-star sec na. Hay naks naman. People nowadays."

"Teka lang, Half siya? Lalaki ba?? Ano? Half ano? Nakita mo ba? Mautak? Matangkad? Mayaman?"-sunod sunod na tanong ni Kate.

Naks naman tong Kate na 'to ohh. Buti na lang at busy rin sa pag chi-chismis yung boys sa gilid, at hindi narinig ni Kurt. Ambassador pa naman yun ng Repulika ng insecurity't selos.

6 CELLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon