Unang ULAN

2 0 0
                                        

Sa aking balat ay may dumamping ulan
Pumatak ito nang hindi ko namalayan
Noong bata'y ayoko akong maambunan,
Sumasakit ang aking lalamunan
Sa kakaubo't katawan ko'y para nang lumulutang

Ngunit nang ako'y unang
mabasa ng di pangkaraniwang ulan
Naramdaman ko ang saya't buong kagalakan
Dito'y masaya naman pala maligo
Huwag lang papasobra't ika'y mabibigo

Habang edad ko ay lumilipas
Mas ginugusto kong
hindi na lamang lumabas
Ninanamnam ang pagpatak
ng bawat ambon
Ayoko na muling bumalik sa kahapon

Nabanggit kong masaya ang unang ulan
Ngunit makararamdam
ka pa rin ng kalungkutan
Hindi sa lahat ng oras
ay may guhit ka sa labi
Hindi mo mapapansi'y
umiiyak ka na gabi-gabi

Oo nga't masaya naman
maligo sa ulan
Lumilipad lipad ang
mga paro-paro sa tiyan
Ngunit kapag ika'y nasobrahan
Hindi mo namamalayang
unti unti ka nang tinatrangkaso
Pag sumakit ang puso
Lahat ay apektado

Ika'y inuubo ng mga namumulaklak na salita
Habang binabalik sayo'y paguho't pagbaha
Sumasakit ang iyong mga kalamnan
Hindi magagamot nang ulang sapilitan

Sa pagdampi ng ulang
di ko namalayan
Sana yata'y di ko na pinansin at
hinayaan  na lamang
Ngunit anong magagawa ko
Nagpadala ako sa panandaliang saya
Kapalit pala'y pangungulila sayo sinta

A Poet WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon