Kung ako na lang sana

3 0 0
                                        

Paano ko kaya ito masisimulan
Di ko na kasi hinihiling na sana ako na lang
Hindi na rin naman kasi ako umaasa
Pero ito na nga't ako'y magsisimula na

Kung ako na lang sana.
Kung naging lalaki kaya ako'y magiging tayo
Kung umamin agad kaya'y pipiliin mo ako
Ako'y matapang na naghanap ng kasagutan
Ako'y sinagot,sa mga tanong nga lamang

Nandito lang naman ako palagi
Nariyan din naman gabi-gabi
Nalalapitan pag ako'y kailangan
Ngunit kailangang magkailangan

Sana ay hindi ka nahihirapan
Sa tinatahak mong kapalaran
Sinasampal na ako ng katotohanan
Sakit lang ang dulot,hindi sya tahanan

Natapos na ang aking pag-asa
Nadala na akong magpadala
Ng lubusan sa aking pantasya
Narindi sa mga salitang
'Kung ako na lang sana'

A Poet WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon