Pagod, nagrereklamo't nayayamot
Hindi na maipinta ang mukhang nababagot
Nagdadalamhati sa naging dulot
Ng pagkakaroon ng buhay na naging salotSinubukang intindihin at pagpasensyahan,
Walang nangyari't nauwi sa awayan
Hindi na't magkasundo, hindi na magkatabi
Ito't naiipit ang mga anak na naririndiHalos atakihin na sa puso sa mga sigaw
Sa mura't mga salitang hindi kaaya-aya
Ano't magtataka bakit lumaking palangatwiran
Hindi ba tamang ipaglaban ang
katotohanan?Tama't sisihin ang nagpalaking magulang?
Lumaki ang anak sa traumang natanggap
Nalipat sa mga apo na walang muwang
Eto't pinipigilan maging kagaya't nakikipagsapalaranNawawalan ng tiwala sa
tinaguriang haligi ng bahay
Pati ilaw ay hindi na kayang
magbigay ng liwanag
Puro kadiliman na lamang
ang aming nakikita
Sirang tahanan at puro tagpi na