Paraluman

1 0 0
                                    

Oh isang Paraluman
Ubod ka nang kagandahan
Sa aking puso't isipan
Ay ikaw lang ang laman

Ikaw ay isang takipsilim
Na nakapapawi ng pagkasakim
ganda'y nakagagaan ng kalooban
Ngunit kahulugan mo'y paalam

Sa paglipas ng oras sa kalawakan
Susulitin ko na lamang mga titigan
Nating walang ibang katumbas
Ni hindi ko na namalayan ang oras

Bawa't gabi'y aking pinagdarasal
Ika'y aking maging bukangliwayway
Simula, hindi hanggan o katapusan
Mahal,bakit hindi natin subukan?

A Poet WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon