Napagtanto

0 0 0
                                        

Di ko malaman bakit ikaw lagi ang paksa,
Ng bawat taludtod at ng aking mga tula.
Napagtanto ko na ang halaga mo,
Ikaw na ang nagsisilbing paksa ko

Paano kaya kung magkaharap uli,
Magagawa ko kayang ngumiti o humibi,
Kung kakaway pa ba ako o hindi,
Magagawa pa ba tumingin sa iyong gawi?

Hulyo nang huli kang nakita,
Hindi nagawang tumitig sayong mga mata.
Pano kaya kung tumuloy 'ko sa inyong gala,
Di na naman ako masaya,wala ng kwenta.

Napagtanto ko't pumasok sa aking isipan,
Tama pala ang ginawa ko noong nakaraan,
Tama palang ako na ay lumisan,
Sa iyong kaarawan ako'y nagpaalam.

Mas mabuti sigurong ganito na lamang,
Hindi ko nakikita't walang nalalaman,
Magawa ko man ulit bumalik sa nakaraan,
'Di na muling padadala sa kahibangan.

A Poet WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon