Sa paglipas ng apatnapu't limang araw
Ramdam ko ang malaking kaibahan
Sa aking nakaraan at sa kasalukuyan
Hindi ko pa yata tunay na nararanasan,
Tunay na kaginhawaanSa oras ng pagbukas ng aking mga mata
Agad makararamdam ng kumukulong lampara
Magtatanong, ina'y anong ating makakain?
Di na ako magugulat sa kanyang sasabihinDi ko alam,
kung anong meron ay magtiis ka muna riyan
Mga katagang, tumatatak na sa aking isipan
Sana'y masagot na ang
"ano bang pakiramdam?"
Ng bumangong kinakapos
ng hininga sa kabusugan?Ano't tila kami'y naghihirap
Habang ang iba'y nagpapakasasa
Sa sandali ba'y mali kaming sumaya?
kung di naman batid na sa dulo'y mapatutulalaBilang hindi malayang mag-aaral
Nakakulong sa preso ng kahirapan,
Ang layunin ko dapat ay
matuto't maaaring yumaman,
Hindi basta pumasok at baka mamatay na lamangNgunit mas pipiliin kong tumayo sa tuwing madadapa
Patuloy na silipin ang mga yugto, Patuloy na humakbang
Patuloy na maglakad kahit pa nasakit na ang aking sakong at talampakan.Gusto ko pang masilayan ang araw
Makita ang ibong may kalayaan
Tumutuka't ngumunguya ng kasaganaan
Lumilipad ng walang nakikitang kulungan
![](https://img.wattpad.com/cover/330512181-288-k270875.jpg)