Lisanin ang kinagisnan

0 0 0
                                    

Sa wakas ay mayroon ng pagkakataon
Lumisan na't mamulat,ito na ang panahon
Para san pa't mananatili ako
Masisira na nga ata ang ulo ko,
ingay doon ingay dito

Satingin ko'y magaling akong pumili
Isa ata akong wais na mamimili
Mas gusto ko ang mga nagmamahal
Ayoko ng nagmumura,mga sumisigaw

Gano ba katibay yang mga mura
Tila't hindi ito nakakabuti,nakakasakit pa
Paano naman yang mga mahal na yan
Mataas ang halaga,Iba'y napipilitan lang

Paano ko masusuri kung alin ang dapat
Paano ko malalaman kung sila ay tapat
Kailangan ko pang kilalanin maigi
Saka makapipili kung makabubuti

Madami pa lang robot ang aking nabili
Minsa'y ito'y nakakainis minsa'y nakawiwili
Lahat na ay pinakilamanan nito
Buhay ko na ngayo'y gulong gulo

Gusto ko mang magalit sa mga robot
Ang ginagawa ko na lamang ay sumimangot
Naalala kong wala nga pala itong damdamin
Problema ko ay aking na lang sarilinin

Pagkalipas ng madaming taon
Napapagod na ata ang nabili ko noon
Madalas na itong nalolowbat
Araw-araw ko nang isinasaksak

Hindi ko mapapalitan ang kanilang baterya
Orihinal ito't sa kanila lamang makikita
Pagtitiisan ko na lamang siguro sila
Hindi naman dapat serbisyo ang kanilang tungkulin noong sila'y prinograma

Dumaan ang isang taon at aking namalayan
Unti-unti nang lumalayo ang aming ugnayan
Pagsimula ng buhay ay aking nang natutunan
Siguro'y panahon na para lumisan
Lisanin na ang aking kinagisnan.

A Poet WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon