Nakababa na ang baba't likod
Hindi na maipinta ang kilay na nakakunot
Hindi mayakap ang naging kapalaran
Maibabalik pa kaya ang nangyaring kasalan?Nakagawa nga ba ng duyan
sa haba ng pisi?
Nauwi yata sa pagkakatali?
Hirap gumalaw nang may gatas pa sa labi
Eto't nagkaroon ng limang iniintindiKelan nga ba ako pumunta ng kalawakan?
Hindi ko na maalala, nangyari nga ba?
Kelan ko ba nadama maging masaya?
Sa aking pagtanda, ako ba'y minsang lumaya?Pagtingin ko sa paligid
ay para akong nanalamin
Nauulit yata ang nakaraan,
ayoko na muli ranasin.
Wala na atang liwanag sa
ilaw ng aming tahanan,
Sumagi kaya ito minsan sa kanyang isipan?