Sa Pagtingin ko sa iyong mga mata
di mo ba napapansing gusto kita
Sa tuwing tayo'y magkalapit na
Di maipaliwanag ang nadaramaTila ako ay Iyong nagayuma
Sa mukha mong nakahahalina
Ako ay nabibighani
Sa mga mata mong bukod-tangiIka'y isang tala sa paraiso
Na aking ginugusto
Dito sa masayang mundo
Kung magiging tayoPagtingin sana'y iyong ibalik
Maghihintay lamang sa iyong halik
Pati na sa iyong mga yakap
Na matagal ko nang pinapangarapKalawakan sa atin ay sumasang-ayon
Mga mata nati'y sa isa't isa lang nakatuon
Pag-ikot ng Mundo ay parang tumigil na
Para bang tayo na lang dalawa ang natiraIkaw lang ang aking mahal
Wala ng iba,ikaw lang pinagdarasal
Maaari kaya tayong ikasal?Ika'y isang Tala sa paraiso
Na aking ginugusto
Dito sa masayang mundo
Kung magiging tayoPagtingin sana'y iyong ibalik
Naghihintay na sa iyong halik
Sa iyong mga yakap
Matagal na kitang pinangarap.