#1 'Larawan'
May larawan akong sinilayan,
Ito ay akin munang pinagmasdan,
Ito na ba ang sinasabing Paraluman?
At hindi ko man lang namamalayan,
Nahuhulog na pala ako ng tuluyan.#2 'Himig'
Tinig mo ay aking napakinggan,
Di na ito lilisan sa aking isipan.
Himig mo ay akin nang paborito,
Sumandal ka sa akin,halika dito.#3 'Pagunita'
Sa aking pagbalik at pagunita,
Sa bawat palitan natin ng mga salita
Kailan kaya muling magkakaharap?
Kailan kaya ulit iyon magaganap.#4 'Tahanan'
Ako'y magdamag nakahilata lang,
Walang magawa't mapagmasdan.
Maaari kayang ikaw na lamang?
At ang mga pusa,ating tahanan.#5 'Pinta'
Sa dinami-dami ng iba't ibang pinta,
Napili ko ang maganda mong mga mata.
Hindi ko man maipaliwanag kung bakit
Sa pagdampi ng balat mo ay, ako'y naakit.#6 'Sigurado ba?'
Oo nga't gusto na kita,
ngunit sigurado nga ba?
Paano ko masisigurado,
magpapatuloy pa ba ako?#7 'Simulan'
Gustong gusto kong simulan
Magsimula ng panibagong usapan
Ngunit paano ko naman magagawa
Kung ako ay para nang nahihiya#8 'Linggo'
Lumipas na ang isang linggo,
Linggong pakikipagkaibigan sayo.
Naghihilom pa lang ang ating mga puso
Tayo'y nagmahal sa isang tao
pinili munang sumuko.#9 'Lapit lang'
Nalaman ko kung saan ka nakatira
Nagbikas ako, malapit lang pala
Kailan kaya kita mapupuntahan
Sabihing,ikaw pala yan?Paraluman.#10 'Bilang'
Kahit bilang lang sa aking mga daliri,
Ang bawat salitang ating naibabahagi
Ito nama'y nagpapaguhit ng aking labi,
Tila ako'y nahuhulog na sa iyong ngiti.#11 'Pahinga'
Siguro ay magpapahinga muna ako,
Pahinga sa pagawa ng tulang ito.
Gusto lang naman kita sa ngayon,
At alam kong ika'y naghihilom
Pa rin sa inyong kahapon