CHAPTER 1
"Badtrip! Nakakainis. Nakakainis talaga! Saan ba ako nagkulang? Ano bang mali sakin?"
Naglalakad ako ngayon sa kawalan. Oo. Sa kawalan. Aba malay ko kung nasan na ako? Ang alam ko lang umuulan at nakikisabay ang luha ko sa pagbagsak nito.
Iniwan kasi ako ng boyfriend ko. Hulaan niyo kung nasan siya? Andun kasama yung babaeng pinalit nya sa akin. Alam niyo yun? ANG SAKIT SAKIT!
at ang malupit sa break up scene namin?
Nakipagbreak sya sa akin habang kasama yung babae. Arghhhhhh. Nakakainis.
Tinawagan nila ako to tell na makikipagbreak na sya sa akin. Nice diba?
At dahil hindi ako pwedeng umuwi ng bahay namin na ganto ang itsura ko. Kasi lagot ako kay kuya. Naisipan kong magikot muna at ubusin ang luha ko kaso nakisabay nga ang panahon. Dadamayan daw nya ako.
Huminto muna ako sa paglalakad. Syempre. Gusto ko pang makauwi nuh? Tumingin ako sa paligid. Trying to tell myself na alam ko ang kinalulugaran ko ngayon. Kaso mukhang wala talagang patutunguhan ang araw ko ngayon.
Walang katao tao sa lugar na to. Puro talahib lang. Lamp posts tsaka malawak na daanan. Meron namang mga bahay pero mostly gawa sa kahoy and abandoned na.
"Anu ba tong lugar na to?" Ang layo na nito sa subdivision namin. Nasa probinsya kasi namin ako ngayon. And I am not familoar with the places around here."Naman oh! Kyra kasi! Kung saan saan ka naman kasi nagpupunta ee." Taksil na mga luha to. Tumatakas nanaman sila. Nakakainis talaga. NAKAKAINIS!
Lumingon lingon pa ako sa paligid. Naghanap ako nang pwedeng silungan. Bukod sa mga kahoy kahoy na bahay. May nakita akong malaking koral.
Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Tumakbo na ako dun. Bukod kasi sa basang basa na ako. Eh mamamatay na ata ako sa sobrang lamig.
"Oh just great Kyra. You are so brilliant." Bulong ko sa sarili ko.
Brokenhearted na nga ako. Humanap pa ako ng ibang sakit na ipapadapo sa katawan ko. Napakatalino ko talaga.
"San ko kaya nilalagay ang utak ko paglabas ng school namin?" Yumakap ako sa may tuhod ko kasi sobrang ginaw na talaga ako.
Inikot ko ang paningin ko. May nakita akong mga hay ma nakalagay dun sa loob ng malaking poste na may butas sa gitna. Since desperada na ako sa init at pagod na pagod na ako. Physically and emotionally. Pumasok ako dun sa loob nang poste at nahiga dun sa hay. Bahala na kung anung mangyari basta dito muna ako.
At iniyak ko lahat ng sakit na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
The Lovestory of a Kaninbaboy
Teen FictionLahat tayo may kaniya kaniyang lovestory.. Meron tayong sari sariling kwento na may sari sariling panimula at pagtatapos. This is an one of a kind lovestory that has an one of a kind plot.