CHAPTER SEVENTEEN

8 0 0
                                    

CHAPTER 17

Nung huli akong nakadilat itim. Ngayon puti naman.

Siguro patay na ako.

Pero hindi ee. May masakit pa din ee.

Sana nga patay nalang ako. Para wala nang masakit sa akin. Kasi pagod na ako. Pagod na pagod na ako.

"KYRAAA!"

"Buloy?!"

Nasaan ba ako? Liningon ko ang paligid. Ward? Ospital? Nasa ospital ako? Bakit? Ano bang nangyari?

"Takte Kyra! Akala ko hindi ka na gigising!"

"Ba-"

"PANGALAWANG ARAW MO NANG TULOG! PANGALAWA KYRA!"

"ANO?!" Gulat na gulat kong tanong sa kanya.

Wala naman akong ginawa para maospital ako. Una. Hindi ko natuloy ang balak ko. Pangalawa. Wala na akong maalala dahil itim na ang lahat.

"Alas sais nung nakita ka ni Manang na nakahandusay sa kwarto mo. Duguan ka."

Duguan ako? Alas sais? 3 lang ata nung pumasok ako sa kwarto at nung tumawag si Dexter at nagwala ako.

"Yung ulo mo. May sugat. Tumama dun sa katawan nang vase na basag. Andami mong sugat sa braso dahil nahiga ka sa bubog. Andaming dugo na nawala sayo."

Tiningnan ko lang si Buloy. Grabe yung pag alala nya sakin.

"Tinawag nya si Manong at ako ang tinawagan ni Manong. Isinugod ka namin sa ospital dito sa bayan."

Grabe. Hindi ko alam na yun pala ang nangyari.

"Tinawagan ko ang kuya mo nun. Kaso di sya makakaluwas agad. Kaya ayan. Ako, Manang Mildred at si Manong ang pinapakaba mo nang sobra dahil di ka nagigising!"

"Gising na ako! Chill!" Sabay ngiti ko.

Tinitigan nya lang ako nang masama. Okay. Hindi ko pala sya dapat sinabihan ng CHILL. Wrong move Kyra. Wrong move.

"Baross. Wag mo ng uulitin yun. Kung nasasaktan ka pa din. Kung may nangyari.."

"Ano?" Tapos ngumiti ako.

"Tawagan mo ko. Ako nalang ang saktan mo.. Please. Wag lang ang sarili mo.."

At niyakap nya ako. Ang yakap na parang ang tagal ko nang gustong maramdaman ulit.

A hug that..

Made me..

Feel so secured and protected.

*****

"Doc TJ. Thank you po sa pagtingin sa kapatid ko."

"Wala yun. Pakainin niyo nalang sya nung mga sinuggest ko tas yung gamot nya. Even kasi normal na ang blood count ni Kyra, nagrerecover pa ang katawan nya."

Ngumiti at tumango na lang ang kuya ko sa Family Doctor namin. Nairelease na din ako ngayon. Uuwi na ako! Namiss ko ang bukid nuh!

Oo. Kanina lang dumating si Kuya. Inantay din sya ni Doc TJ bago ako irelease.

"Kasi naman princess! Ano ba kasing ginawa mo?!"

Bungad sakin ng kuya ko paglabas ni Doc TJ.

"Kuya. Kinwento ko na ang lahat kanina aa?"

"Nagpakamat---"

"Hindi ako nagpakamatay kuyaaa!!"

Hindi naman kasi talaga ee. Hay. Binitbit naman nya yung mga gamit at gamot ko tapos sinakay nya ako sa kotse nya at inihatid sa bahay.

"Oy princess. Paguwi naten. Magpahinga ka ha? Matulog ka nang maaga."

"Yes kuya."

"Kumain ka nang madami ha?"

"Yes kuya."

"At oo nga pala. Pinabantayan kita kay Kemlloyd."

"Yes.. TEKA! ANOOOO!?"

Si BULOY!?

Okay. Guard na ba sya ngayon?

Tumahimik nalang ako buong biyahe. Sa totoo lang. Wala naman na kasi talaga akong masabi. Ang haba rin pala ng biyahe mula sa bayan hanggang sa bahay. Nagtataka tuloy ako paano ako naisugod sa ospital.

Ayan. Naalala ko nanaman sila Dexter. Si Crystel. Ang mga narinig ko. Naalala ko nanaman lahat. At kumikirot nanaman ang puso ko. Sana pala humingi ako ng anesthesia sa ospital. Para sa tuwing nararamdaman ko ang sakit. Sasaksakan ko ang sarili ko.

Napabuntong hininga ko. Sana ganun lang kadali. Sana ganun lang kadali ang lahat.

Di ko na namalayan na nasa may bahay na pala kami. Ang dami kasing pinapaisip sakin ng utak ko ee. Bubuhatin ko na sana yung gamit kaso inagaw sakin ni Kuya.

"Kuya. Hindi na ako baby!"

"Wala akong pake. Sige na. Bumaba ka na dyan. Bilisan mo!"

Azar. At wala na nga akong nagawa. Bumaba ako nang kotse at pumasok sa bahay. Nakita ko si Aya sa loob na nagtatakbo. Kung andito si Aya, ibig sabihin. Andito din si Buloy

"Ate Kyraaaaaaa!"

"Hi Aya!"

Umupo ako para maging kalevel nya ako. Tapos saktong upo ko niyakap nya ako.

"Ate. Ikaw naman po aalagaan namin!"

"Paano mo ko aalagaan?"

"Dito po kaya kami titira. Sabi po ni Mama. Kinausap nya na po yung mama mo."

WHAAAAAAT?

TEKA. ANONG KALOKOHAN BA TALAGA ANG NANGYAYARI DITO?

Narinig kong nagtatawanan sila Buloy at Kuya sa kusina. Nagpaalam ako kay Aya. At sinabihan siyang. Wag na munang lalabas. Um-oo naman sya tapos dumeretso ako sa kusina.

"Kuyaaaaa!"

"Oh? Bakit?"

"Anong nabalitaan ko kay Aya na dito sila titira ni Buloy?! Eh ang ganda ganda nang mansyon nila!"

Totoo naman ee! Ganda ganda nang bahay nila. Tapos dito sila titira?

"Ha? Indi sila dito titira." Ay hindi ba?

"Eh bakit sabi ni..?"

Tinawanan lang ako ni Kuya tsaka sya sumagot.

"Lumipat sila ng bahay malapit satin. Kaya nga medyo mababantayan ka na ni Buloy."

So ibig sabihin, hindi sila dito titira sa bahay? Edi... maganda. Mairap na nuh!

"Bakit parang dissapointed ka Baross? Gusto mo dito talaga ko?"

"TSE! Ayaw ko nga nuh!"

"Gusto mo ba? Sabihin mo.. Lilipat ako."

"A-YO-KO!"

Tiningnan nya lang ako with the "sabihin-mo-lang" look. So? Tingin nya? Gusto ko talaga sya dito?

Aba't ang kapal nya talaaaaagaaaaaaa!

"Alam mo! Umuwi ka na! Wala ka na sa katinuan!"

Tinalikuran ko sila at umakyat sa kwarto ko. Owell. Kailangan ko ng pahinga. Gaya nga ng sabi ko. Pagod na pagod na pagod na ako.








(A/N: WAAAAAAH! SORRY ANG PANGET NG UPDATE KO GUYS. Sabog po kasi talaga ako ngayon. Don't worry. Babawi ako with the updates. Okay? Loveyouall! Please vote. ^^)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Lovestory of a KaninbaboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon