CHAPTER EIGHT

7 1 0
                                    

CHAPTER 8

"Nangongolekta ako ng kanin baboy!" Tapos tumawa sya.

"Ha? Ang baboy talaga neto!" Tumingin naman ako sa likod nya tsaka ko hinanap yung kanin baboy nya.

"Baliw. Indi ako nangongolekta. Tara!" Hinila niya ako palabas tapos sinara nya yung gate namin.

"San tayo pupunta aber?" Pagbitaw ko sa hawak nya para huminto kami.

"Dun tayo sa bukid. Marami akong ipapakita sayo!"

Tapos hinawakan nya ulit ako tapos tumakbo kami.

"Hoy! Kemlloyd Chiong alyas Buloy. Sumuko ka na please. Pagod na ako!"

"Ayoko! Tara!" Sabay hila nya ulit sakin. Papano akong di titigil? Eh pagod na pagod na ako. Parang 3kilometro na natatakbo namin ee!

"Nasaan na ba tayo?" Huminto sya sa pagtakbo. Tapos naglakad na lang sya. Ay salamat!

"Nandito na tayo!!!" Nakahinto kami ngayon sa harap nang isang arko na may nakasulat na "plasa y san agustin".

"Akala ko ba sa bukid?"

"Mas maganda dito!" Hinila nya ako papasok dun sa arko. Parang tunnel yung pinasukan namin. Tapos paglabas namin.

"WOW!" Grabe. Ang ganda.

"Sabi ko na yan sasabihin mo ee." Tapos tumawa ulit sya. Hobby nya ang tumawa nuh? Kabagin sana yan!

Andaming banderitas tapos andaming nagsasayawang tao. Maraming tindahan tsaka batang naglalaro. Pati mga live bands. Tsaka may mga rides din. Ang ganda dito. Parang yung nasa mga palabas lang!

"Ano? Amazed ka na sa San Agustin?" Plasa means Plaza.

"Ang ganda dito. Grabe! Sakay tayo dun!" Hinila ko sya papunta dun sa ride na katulad ng Anchors Away ng Enchanted.

"Teka! Ayoko dyan!" Bigla siyang urong.

"Bakit?" Ngumiti ako sa kanya ng napakalapad. "Takot ka nuh? Kasi bakla ka!"

Nagulat naman sya sa sinabi ko. Tapos bigla syang sumeryoso.

"Sinong bakla?" Tapos palapit sya ng palapit sakin.

"I-i-ikaw! Bakla ka Kemlloyd Alvarado!" Tapos tumawa ako habang nagstestep backward.

"Ako? Bakla ako?" Bigla akong napahinto kasi may harang na pala sa likod ko. Yun yung bars nung ride. Oh no. Cornered.

"Oo. Bakla ka!" Ang tapang mo naman Baross. Dapat sabi mo Joke lang! Lagot ka na!

"Ah ganun.." Hinawakan nya ako sa may bewang tapos umakma syang hahalikan ako.

WAAAAAAAAAAAAAAA! Pumikit ako kasi ayokong makita. Argggh!

1..

2..

3..

4..

5..

"Kyra! Laughtrip ka talaga! Yung mukha mo! That is priceless!" Nakita ko syang mangiyak ngiyak na sa kakatawa.

"Badtrip ka! Nakakainis ka talaga!"

"Bakit ka naiinis? Kasi di ko tinuloy?" Lalo pa syang tumawa.

The Lovestory of a KaninbaboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon