CHAPTER 7
"Baross.."
Dinilat ko naman ang mata ko. Nakita kong maliwanag na from my window. Shems? Umaga na? Nakatulog ako?
Umikot ako sa kabilang side ng kama. Magkukumot pa sana ako kaso nakita ko si Kuya na nakatayo sa harap ko.
"My gosh! Kuya? You scared me." Nginitian nya lang ako. One sad smile.
"What happened? Come here. I'll listen." Sabi ko pa naman hindi na ako iiyak ee. Di ko na sya iiyakan ee.
"Walang masama kung iiyak ka ulit. Ang mahalaga, pagtapos nun. Natuto ka. At syempre. Babangon ka."
Lumapit si Kuya sakin tsaka tumabi. Niyakap ko sya habang umiiyak.
"Kuya. Wala na kami ni Dexter. Kuya. Pinagpalit niya ako!"Umiyak lang ako habang yakap si Kuya. Basang basa na nga yung tshirt nya dahil sa luha ko pero hindi sya nagrereklamo.
"Kuya. Ang sakit sakit sakit sakit."
"Ssh. Tahan na. Baross. Minsan yang mga sakit na yan. Yan yung magpapalakas sa iyo. Hindi mo naman talaga maiiwasan yan."
"Pero kuya. Grabe kasi ee. Parang sobra naman ata?"
"Baross. Kung hindi ka masasaktan. Hindi ka matututo. Ganun talaga ang buhay. Lalo na sa pag ibig. Kung di mo mararanasan ang sakit. Di mo masasabing nagmahal ka na."
"Ayoko na. Kuya ayoko na."
"Baross. Ganun talaga ang ikot nang mundo. May nasisimulan. May mabubuo. Tapos may magbabago. Sa dulo may masasaktan."
"Tapos ayun na yun? Masasaktan nalang lagi?"
"Pero tuloy pa rin ang ikot. Kasi sa bawat ikot nun. Dun tayo matututo. Tandaan mo. No Pain, No Gain."
"Wala bang masaya kuya? Wala bang ganun? Yung sa dulo sasaya?"
"Ang magmahal ay masaktan. Ang sakit ay dahil sa pagmamahal. Pag nagmahal ka ba malungkot ka? Hindi diba? Kambal lang talaga yan!"
"Hmm." Sabay tango ko.
"Pero ipangako mo. Huling beses na kitang makikitang iniiyakan yung sira ulong yun. Ipangako mo."
Tumawa ako sabay pahid sa luha ko.
"Ang OA kuya." Sabay hampas ko sa kanya."Pero mapapatay ko talaga yung taong yun ee. Dapat nakipagbugbugan na lang sya saken." Sabay action pa nya ng suntok suntok sa hangin.
Tiningnan ko lang sya. Nangiti ako. Napakabaliw talaga nang kuya ko. Nagulat ako nung tumingin sya sakin tapos susuntukin ako. Pumikit ako. Tas inaantay yung suntok.
Tumawa si Kuya tapos ginulo yung buhok ko.
"Wag ka nang iiyak ha? Andito lang si kuya." Tapos niyakap nya ako.
"Oo na po. Di na po!" Sabay yakap ko pabalik.
"Oh tama na! Nakakabakla na to baross!" Sabay hiwalay ni Kuya sa akin.
"Bakla ka ee. Wala kang girlfriend! Ayaw mo pa kasing ligawan yung ate ni Zena!"
"Ewan ko sayo. Lalabas na ako." Dumiretso naman sya sa doorway nung kwarto ko tapos lumabas na nga sya. Hihiga pa sana ko. Kaso bigla nya ulit binuksan ang pinto.
"At nga pala! Maligo ka na bunso. Ang baho mo na. Sobra! Amoy. Kanin baboy ka na. Hahahahaha."
Inamoy ko naman yung sarili ko. Ay nako naman. Di nga pala ako naligo kahapon! Bumangon ako sa kama ko at naghalungkat ng towel sa cabinets dito. Tapos pumasok na din ako ng CR. After mga 1hr. Lumabas din ako.
White shorts at plain hanging blouse lang ang sinuot ko. Tapos pumunta ako sa sala.
"Kuyaaaaaaaaaa. May almusal na?"
San nagpunta yun si Kuya? Bakit nawala? Kanina nandito lang yun ee.
"Tao po."
Ay! Baka si manong to na nagtitinda ng Soya Milk! Sinabi lang din sakin ni Mommy yun ee. Kumuha ako ng 20 pesos dun sa kwarto ko tapos binuksan ko yung gate naming kawayan.
"Manong dalawang sampung pisong Soya Milk po."
"Huy Kyra! Indi ako tindero ng Soya Milk." Napatingin naman ako sa nagsalita.
"Kemlloyd!? Anung ginagawa mo dito?"
BINABASA MO ANG
The Lovestory of a Kaninbaboy
Teen FictionLahat tayo may kaniya kaniyang lovestory.. Meron tayong sari sariling kwento na may sari sariling panimula at pagtatapos. This is an one of a kind lovestory that has an one of a kind plot.