CHAPTER NINE

5 1 0
                                    

CHAPTER 9

"Hoy Buloy! Antayin mo ko!"

"Ang bagal mo kasi!"

Opo. Tumatakbo nanaman kami. Mas malayo pa yung dinaanan namin ngayon.

"Wait! Ayaw ko na. Suko na ako!" Pumikit naman ako tapos nagpunas ako ng pawis. Buti nalang medyo gabi na. Malamig na yung hangin.

"Hay nako!" Narinig kong nagbuntong hininga sya.

Grabe. Sa sobrang lamig. feeling ko lumutang ako. Hmmm. Sarap!

"Baross." Dinilat ko yung mata ko tas nakita ko si Buloy sa tabi ko.

"Hala? Asan na tayo?" Bumangon naman ako agad sa pagkakahiga. Ano bang nangyari?

"Kanina ka pa tulog. Nung binuhat kita kanina. Di ka na dumilat ee."

"BINUHAT MO AKO?" Tumawa naman sya sa reaksyon ko. Kaya pala parang lumutang ako kanina.

"Oo nga. Ang liit liit mo. Ang bigat bigat mo!"

"Grabe ka. Bakit mo na kasi ako binuhat! Asan ba tayo?"

"Itatanan na kita." Nginitian naman nya ako ng baliw na ngiti.

"Baliw! Itatanan ka dyan!" Sabay hampas ko sa kanya.

"Tayo ka! Tingnan mo yung view. Isang surprise ko yan sayo."

Tumayo naman ako para tingnan yung sinasabi nya. Andaming flying lanterns.

"Woah! San sila galing? Ang ganda."

"Oh! Paliparin mo. Magwish ka muna ha?" Nginitian ko naman sya sabay kuha nung flying lantern.

Nagwish muna ako gaya nang sinabi sakin ni Buloy.

"Sana.. maging masaya na talaga ako."






Kemlloyd's POV

"Hoy Buloy! Antayin mo ko!"

Ay nako! Ang bagal bagal nya kasi tumakbo pero, ang cute cute--. Hindi mali. Hindi mo sya mapapasaya Kemlloyd. Ang misyon mo lang dapat ang focus mo.

"Ang bagal mo kasi!" Sabi ko.

"Wait! Ayaw ko na. Suko na ako!"

Nakita kong pumikit sya.

*Dug* *Dug*

Shet. DI PA RIN BA NABABAWASAN KAHIT 0.5% ANG EPEKTO NANG BABAENG TO SAKIN? ARGH!

"Hay nako!" Binuhat ko sya tas naglakad kami at dinala ko muna sya sa may burol. Marami kasing flying lanterns doon tuwing gantong araw.

Pagbuhat ko akala ko magrereklamo. Nagulat ako nung sumiksik sya sakin at niyakap nya ako. Tulog na ata.

*Dug* *Dug* *Dug* *Dug*

Takte. Kabaklaan na to! Bwiset.

"Tulog ka diba? Di mo ko naririnig?"

Kinakausap ko sya habang tulog. Oo eh. Duwag akong magsalita kapag gising sya. Kapag tulog nalang. Mas okay na yan.

"Alam mo ba kung gaano akong nasaktan nung iniwan ka ni Dexter? SOBRA. 100 beses nang naramdaman mo." Tiningnan ko sya habang nakayakap sakin.

"Wag kang mag alala. Gagawin ko ang misyon kong makalimutan sya. Papasayahin kita."

Nakarating naman kami sa may burol tapos hiniga ko sya.

"Baross." Tinawag ko sya. O sabihin nating ginising ko sya. Kasi malapit nang magsimula yung lantern show. Kebigat bigat nya tas di nya mapapanood? Sayang effort ko nuh!

"Hala? Asan na tayo?"

"Kanina ka pa tulog. Nung binuhat kita kanina. Di ka na dumilat ee." Oo! Tinulugan mo ko.

"BINUHAT MO AKO?" Tumawa naman ako sa reaksyon nya. Asarin ko nga.

"Oo nga. Ang liit liit mo. Ang bigat bigat mo!"

"Grabe ka. Bakit mo na kasi ako binuhat! Asan ba tayo?"

"Itatanan na kita." Nginitian ko sya. Oy kung pwede lang. Ginawa ko na yan. Pero umamin nga di ko magawa ee. Yan pa kaya?

"Baliw! Itatanan ka dyan!" ARAY! ANG BIGAT NANG KAMAY MO!

"Tayo ka! Tingnan mo yung view. Isang surprise ko yan sayo."

Tumayo naman siya.

"Woah! San sila galing? Ang ganda."

Kinuha ko yung dalawang flying lanterns na itinabi ko na kanina dito sa burol na to. Sinindihan ko tapos inabot ko sa kanya.

"Oh! Paliparin mo. Magwish ka muna ha?" Nginitian nya ako sabay kuha nung flying lantern. Yung ngiting yun. ARGH!

Narinig kong nagsasalita na sya. Kaya naman pinalipad ko na din yung akin.

"Pasayahin niyo po si Kyra. Kahit siya nalang po."

The Lovestory of a KaninbaboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon