CHAPTER 12
"Eh alam mo ba kung paano nakilala ni Nemo yung tatay nya nung nawala sya?"
Naglunch muna kami ni Buloy. Nakaupo kami ngayon sa ilalim nang puno nang mangga. At kanina pa nagcocorny joke itong kasama ko.
"Last na yan Buloy ha? Last na yan! Osige. Paano?"
"Edi! NEMO-khaan nya!" Tapos gumulong sya sa kakatawa dun habang hawak pa yung tiyan nya.
"Grabe. Ha-ha-ha-ha! Nakakatawa!" Sabi ko habang tinatrayan sya.
"H-ha-Eto naman! *Hinga* Hiningal na nga ako sa kakatawa ee!"
"Ubos na ba ang jokes at tawa mo? Kasi kung OO. Magtrabaho na ulit tayo."
Tumayo ako kaso hinila nya ako. Dahilan para maout of balance ako at matumba. Dinilat ko ang mata ko at sakto namang magkaharap ang mga mukha naming dalawa.
"Ano ba yan Buloy!" Tumayo ako. Instant dahil napaka awkward nung sitwasyon.
"Sorry." Dinig kong bulong nya. Tinarayan ko sya tapos lumakad na uli.
"Oy Taray este Baross! Teka! Ano na bang susunod na gagawin?"
Tumingin ako sa kanya tapos tinuro ko yung mga baka at kalabaw.
"Ahhh! Gagatasan sila? Tara na! Bilis!" Hinila naman nya ako kagad papunta dun.
"Uy teka. Hahanapin ko muna si Manong! Di tayo marunong nyan!"
"Marunong ako! Ako na magtuturo sayo."
Binuksan nya yung gate nang kulungan nang mga baka. Tapos sinuot nya na yung gloves nya.
"Sure ka bang alam mo yan?" Ngumiti lang sya nang una. Pinet nya muna yung baka. Kinakausap pa nga nya ee. Umupo sya tapos kinuha yung timba sa tabi nya at nagsimula na.
Nagulat ako nung bigla syang tumayo at lumapit sakin. Sabay tulak nya paupo.
"Ikaw naman!"
"Ha? T-teka. Di ako marunong neto." Pumunta sya sa likod ko tapos medyo nagbend sya. Ah basta nasa likod ko sya.
"Ganito lang yan." Ipinakita niya kung paano ginagawa.
Sinubukan kong gayahin kung ano yung ginagagawa nya kaso biglang gumalaw yung baka.
"Waaaaaa! Ayokooo na!" Narinig ko namang tumawa sya.
"Subukan mo ulit. Dali na!" Tumingin ako sa kanya tapos umupo ulit ako. Nagbend nanaman sya sa likuran ko.
"O-okay. Pero wag mo kong tatawanan ha?" Hinawakan ko na yung part na gagatasan. Nagulat ako nung hinawakan nya yung dalawa kong kamay at sinabayan ako sa pag gatas sa baka. Gusto kong alisin kaso nakakahiya naman kasi ako na nga lang yung tinuturuan. Mag iinarte pa ako?
"Mam Kyra! Andyan lang ho pala kayo!" Biglang bitaw at tayo ko naman sabay lapit kay Manong.
"Bakit ho manong?"
"Ah mam! May tawag po kasi kayo sa bahay ninyo. Crystel daw ho."
Crystel? Wala naman akong kilalang Crystel aa? Sino yun?
"Ano daw po ang sabi Manong?"
"Ah hindi ko po alam mam ee. Binabaan po kasi ako nang telepono matapos kong sabihin na wala ho kayo." Huh? Eh sino ba yun?
Nagpasalamat nalang ako kay manong sabay yuko naman nya at umalis na. Lumapit ako kay Buloy tapos tinanong nya ako kung ano daw yun.
"Ah wala yun! Tapos na ba tayo?" He laughed at me. Tapos itinuro nya ang mga bakang hindi pa nagagatasan.
Natawa naman ako at nagsimula na din kaming maggatas ulit.
Natapos din naman kami kaya lang medyo dumilim na. Hindi pala madali ang ganitong trabaho. Parang pagmomove on lang. Kailangan mag eeffort ka kung hindi maiiwanan ka sa ere. Ang drama ko. Binitbit na namin ang mga gatas at nagsimulang bumalik sa barn house.
"Oy buloy!" Tawag ko sakanya. Tumingin naman sya sakin.
"Saan ka pala nagpunta mung tatlong linggo kang nawala?"
"Ha?" Huminto sya saglit tapos tumawa. "Namiss mo talaga ako nuh?"
"Hindi nuh? Alam mo ba ang kalayaan ko nung wala ka? Haha! Walang makulit! Saan nga?" Tumawa lang ulit sya.
Grabe talaga tong lalaki na to. Hindi mo alam saan nya hinuhugot ang self confidence nya ee. Alam mo yung may habagat,amihan,hurricane,tornado,cyclopse ata sa loob nang katawan nya kaya ganyan sya kahangin.
"Ah. Umalis lang kami. May pinuntahan." Ginulo nya yung buhok ko tapos kinuha yung bitbit kong gatas.
"Ang kulit mo!" Sabay tawa nya ulit.
Ngumiti nalang ako. Lord, salamat at may kaibigan kayong binigay sa akin at sumasaya ako nang ganto. Makaklimutan ko na po ba si Dexter?
Sana.
Kasi kahit na mukha akong masaya..
Hindi ko na din kinakaya ang sakit..
Na hanggang ngayon. Sariwang sariwa at damang dama ko pa.
BINABASA MO ANG
The Lovestory of a Kaninbaboy
Teen FictionLahat tayo may kaniya kaniyang lovestory.. Meron tayong sari sariling kwento na may sari sariling panimula at pagtatapos. This is an one of a kind lovestory that has an one of a kind plot.