CHAPTER 6
"Ikaw na nga ata yan. Ang laki mo na iho!"
Who the heck is BULOY? Kumunot naman ang noo ni Kemlloyd.
"Iho. Kamusta na si Pia?" Ngiting ngiting tanong ni mama.
"Si Mama po?"
Hinila naman ni Mama si Kemlloyd sa terrace ng bahay sabay sigaw.
"Kyra anak! Pakitimpla mo nga kami ng juice."
"Pero mommy!"
"Sige na! Nasa labas lang kami! Marami kaming pag uusapan nitong batang to."
Sabay tingin sa akin ni Kemlloyd nang "iligtas-mo-ko" look.
"Bahala ka dyan!" At nagmake faces ako sa kanya.
Pumunta naman ako nang kusina at nagpatulong kay Ate Mildred na magtimpla ng juice nila Mommy tapos lumabas ako para ihatid yun sa kanila.
"Mommy?"
"Ayy. Good. Andyan na pala yung juice iho. Uminom ka muna bago ka umalis."
Uminom naman sya tapos nginitian nya ako. Tsaka sya lumabas ng bahay.
"May gagawin pa daw kasi sya kaya di na daw sya magtatagal." Sabi ni Mommy sakin.
"Ma. Bakit kilala mo sila? Sino si Pia tsaka bakit Buloy ang tawag mo sa kanya?"
"Close kami nang Mommy ni Buloy. Nagkakasabay kasi kami lagi magbayad nang tuition fee. Nagkakataong lagi kaming magkasunod. Eh dahil sa laging mahaba ang pila. Nagdadaldalan kami."
Kwento pa ng kwento si Mommy. So. Magkakilala pala ang mommy namin dahil sa school. I wonder hindi naikwento ni Mommy yun. Siguro dahil alam nyang di kami classmates ni Buloy, I mean Kemlloyd. After magkwento ni Mommy. Nagpaalam na din ako sa kanya na magpapahinga muna dahil pagod ako. Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga.
"Hay. Grabe." Tumingin ako sa side desk ng kama ko at nakita ko ang picture namin ni Dex.
Binaba ko yung picture frame dahil naramdaman kong bumagsak nanaman yung luha ko.
I grabbed my phone and I texted Zena, my bestfriend. Namimiss ko na rin yung babaitang yun ee.
Immediately my phone rang and I answered it
"Ohmygosh! Kyraaaa! Imissyouuu!"
"Hi Zeeen! Imissyoumore! Hey. I got news. Hulaan mo!" Pinipigilan kong magcrack yung boses ko.
"Are you crying?" I really can't hide anything from her.
"Of course not! Now. Eto na yung news. Haha. Did you know? Na ex boyfriend ko na si Dexter Cruz. Ha-ha-ha-ha!" I faked a laugh para matago ang cracking voice ko.
"What? Anung nangyari. Gosh kyra! Sabihin mo!"
Di ko na narinig yung iba pang sinabi ni Zena. All I know is galit at naghyhysterical na sya. Ganyan naman lagi si Zena. Ayaw na ayaw na ayaw nyang nasasaktan ako.
Naging waterfalls na kasiyung mata ko at bumubuhos na ang luha. Sa sobrang buhos nang luha ko. Hindi ko na makuha pang magsalita. Hikbi at Hagulgol nalang ang kaya kong gawin.
Ang sakit sakit palang maipagpalit at maiwanan. Ang sakit sakit. Para kang sinaksak nang paulit ulit nang lahat nang klase nang panaksak sa mundo habang nakaupo ka sa silya de elektrika habang binubugbog ka. Yung parang mamamatay na? Sobrang sakit. Ang malala pa. Walang anesthesia sa pagibig. Walang anesthesia ang ganitong pakiramdam. Hahayaan ka lang nitong maramdaman ang sakit. Ipaparamdam lang nito sayo yung sakit na nakakamatay na.
"DEXTER, BAKIT? BAKIT? Bakit mo to g-inawa? A-ng s-sakit sakit." Niyakap ko yung unan ko saka umiyak ng umiyak. Kahit ngayong gabi na lang ulit. Ngayong gabi nalang ulit.
BINABASA MO ANG
The Lovestory of a Kaninbaboy
Teen FictionLahat tayo may kaniya kaniyang lovestory.. Meron tayong sari sariling kwento na may sari sariling panimula at pagtatapos. This is an one of a kind lovestory that has an one of a kind plot.