CHAPTER 2
"Hmm.."
Dinilat ko ang mata ko. Naramdaman kong nagvibrate sa paanan ko kaya tiningnan ko yun.
"OH KAMOTENG GINISA! CELLPHONE KOOOOOOO!"
Dali dali kong hinalungkat ang cellphone ko sa mga hay na hinigaan ko.
Good News: Nahanap ko ang cellphone ko.
Bad News: Basang basa naman.
Buti nalang at waterproof ang cp ko. Tiningnan ko kung bumubukas pa pero mukhang lowbat na rin ata.
Agad naman akong sumilip sa labas ng poste na hinigaan ko.
"UMAGAA-! Aw! Ang baho! Ano yun?"
Lumabas ako at sumalubong sakin ang timba timbang kanin baboy. Ang baho baho baho baho. May mga baka ding nakaharang sa daan.
"Excuse me! Padaan po-- ARAY!"
Napapikit ako at hinawakan ang pisngi na nahampas ng buntot ng baka.
"Miss.. TABI DYAAAAAAAAN!"
The last thing I knew was I was hit by pigs.
-
"Uy! Miss! Gising!"
"Hmm.."
*Amoy*
*Singhot*
*Langhap*
"Ang bahooooooo!" Agad agad akong bumangon dun sa pinagkakahigaan ko at lumabas.
"Huy!" Nagulat ako kasi sinundan nya ako.
"Argh. Ano ba yan? Bakit naman po ang dami dami niyo pong kanin baboy? Eh nakakamatay po yung amoy manong!"
"Maka manong ka naman Kyra Almario. Magkaedad lang tayo!"
Tinakpan ko ang ilong ko dahil di ko na talaga kaya ang amoy. Lumingon ako sa kanya sabay sabing.
"Phwedeh sha ihbhang lhjugar chayo mha-ushap?"
Nginitian nya ko sabay hawak sa kamay ko at hinila ako palayo sa mga kaning baboy na yun. Huminto kami sa isang maliit na barnhouse.
"Oh ayan na po. Di na amoy kanin baboy dito."
Nag act naman akong inaamoy ang paligid at sinisiguradong wala ng kanin baboy.
"Laftrip ka talaga Kyra eh nuh?" Sabi nya habang tumatawa.
Huminto ako at tinaasan ko sya ng kilay.
"Bakit mo pala ako kilala?"
"Grabe. Di mo na ako maalala?" Nagpout sya sakin. Okay parang medyo familiar na sya sa akin. Parang lang.
"Ha?"
"Baross.."
WHAT? Baross? Okay. That is my nickname. Na tanging family and classmates ko lang ang may alam.
"Gumwapo lang ako. Di mo na ako maalala?"
Ibang klase self confidence nito! Ang tindi! Sino ba to?
BINABASA MO ANG
The Lovestory of a Kaninbaboy
Teen FictionLahat tayo may kaniya kaniyang lovestory.. Meron tayong sari sariling kwento na may sari sariling panimula at pagtatapos. This is an one of a kind lovestory that has an one of a kind plot.