CHAPTER 4
Kemlloyd huh? Wala akong classmate na Kemlloyd ee. Pero parang familiar. Parang lagi ko syang naririnig. At lagi kong nababasa. Saan kaya? Ay ewan. Napakaulyanin ko talaga.
"Bakasyon? You are not even my classmate."
"Haha. Schoolmate!"
"I see. Paano mo ko nakilala?"
"Wag mo nang alamin! Tara! Iuuwi na kita!"
Sabay hawak nya sa kamay ko at hila sa akin.
"O-oy! Teka lang!"
"Tara na!" Bumitaw ako para huminto kami.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Sa bahay NATIN! I told you! Iuuwi na kita. Tsaka isa pa. Hinihintay ka na ng mga anak natin!"
"WHAT???"
"Hahahahaha. Joke lang! Wag ka mag alala. Mapagkakatiwalaan ako. Sakay."
Nakita ko naman na yung bike nya may upuan sa harap kaya dun ako umupo.
"Bakit ka ba kasi nandito? Anung ginagawa mo dito?" Tanong nya sa akin sabay patakbo ng bike.
"Ako?" Tanong ko sa kanya.
"Malamang diba? Sino pa bang pwede kong tanungin? Laughtrip ka talaga!"
"Tss. Bahala ka. Di ko sasagutin yang tanong mo!"
"Joke nga lang ee!"
"Iniwan kasi ako ng boyfriend ko."
Napansin ko namang bumagal yung takbo nya at halata kong tiningnan nya ako.
"Ayoko namang umuwi sa bahay ng umiiyak kaya. Naglakad lakad ako. Tapos naligaw ako at biglang bumuhos ang ulan kaya no choice ako kundi tumigil sa may barn. Eh ikaw? Anung ginagawa mo dun?"
"Sa barn? Nagtratrabaho ako para.."
"Para ano..?" Seryoso kong tanong kasi ang seryoso nya ee.
"Para sa pamilya natin!" Sabay tawa nanaman nya.
Tiningnan ko sya ng masama. Sumosobra na to sa banat ee. Babanatan ko na to.
"Sabi ko nga eh! Joke lang! Hobby ko kasi yung farm works. Lalo na ngayong bakasyon. Minsan lang ako umuwi ng province ee."
"Bakit mo pala ako kilala? Bukod sa schoolmate mo ko?"
"Nakikita kita dito sa probinsya. Sa tuwing umuuwi ka."
"Ahh. So kilala mo na ako dati pa?"
"Oo. Dati pa."
Hindi ko na rin kinailangang ituro pa ang bahay at subdivision namin kasi alam nya talaga. Grabe. Indi kaya stalker ko ang isang to? O baka naman spy ni Dexter kasi joke nya lang ang breakup namin at argh. Erase the Dexter Part!
"Kyra! Saan ka ba nanggaling? Jusko! Kagabi ka pa namin hinahanap! Yung kuya mo. Mababaliw na ata!"
"Mom! Okay lang ako! I was with him." Sabay turo ko kay Kemlloyd na nasa likuran ko.
"YOU SPENT THE NIGHT WITH WHOM?"
"Mrs. Almario. She spent the night with me.."
"Oh goodness.."
"Mommy!" Bigla nalang syang bumagsak! Narinig ko namang tumawa yung isa at sinamaan ko sya nang tingin.
"Akala ng mom mo..
May ginawa tayo last night.
Alam mo na.." Sabi nya habang tumatawa.
"WHAAAAAAAAAAAAT?" NAMAAAAAAAAN!
"Don't worry. Papanagutan ko naman ang lahat!"
"Baliw! Buhatin mo si Mommy! Ipasok natin sya sa loob."
BINABASA MO ANG
The Lovestory of a Kaninbaboy
Teen FictionLahat tayo may kaniya kaniyang lovestory.. Meron tayong sari sariling kwento na may sari sariling panimula at pagtatapos. This is an one of a kind lovestory that has an one of a kind plot.