CHAPTER 13
"Hi Ate! Hi mga babies!"
Kumakaway ako ngayon sa screen nang laptop ko na kakacharge lang galing bayan. Grabe. Ang cute nang mga pamangkin ko. Babies talaga kasi kambal sila ee. Waaaa! Pahirapan din pala yung magcharge dito. Kasi sa bayan pa. Anyway. Si Manong ang nagdadala nang gamit ko sa bayan.
FOURTH WEEK nang mag isa. Meaning. One Month na rin kasi halos nung umalis sila Mommy pa Canada. Yeah! One month na din akong mag isa dito! And luckily. Medyo nasasanay na ako sa mga gawaing farm and fields. Nandyan naman kasi sila Manong at oo, ang araw araw na panggulo nang buhay ko na si Buloy.
Anyway, speaking of Buloy. Asan na kaya yun? Tanghali na. Pero ni anino. Wala pa. Sabi nya kasi sakin kahapon. Diba magkasama kami maghapon. Magpapaalam daw sya pag di sya makakatulong sa farm para daw di ko sya mamimiss gaya nung tatlong linggo syang nawala. Ang assuming nuh? As if namang mamimiss ko sya.
Pero kung wala sya....
ABA! Pabor na pabor sa akin yun nuh!
"Baross! Anak! Nakikinig ka ba?""Ayy! Sorry mommy! Ano nga po yun?"
Nag usap lang kami ni mommy about dun sa farm and fields tapos ininstruct din nya ako tungkol dun sa mga kailangan kong sabihin kay Kuya at sa nalalapit na pagpapasahod nung mga tao. Next year pa ata sila makakauwi dahil sa ayaw nang iwan ni Daddy ang mga apo nya. Hay! Si Daddy talaga! Haha.
Lumabas ako nung mga bandang hapon na. Sakto namang nakasalubong ko si Manong.
"Good afternoon po mam Kyra."Ngumiti ako kay Manong tapos naglakad na ulit. Tumingin naman ako sa cellphone ko para tingnan kung may text or missed call galing kay Buloy pero wala. Mukhang isang Buloy-Free day ulit ha?
Naglakad lakad na lang ako. Pero iniisip ko pa rin kung anong nangyari kay Buloy.
Dahil sa may lahi din akong abnormal at si di ko malamang dahilan. Hinabol ko si Manong at tinanong ko kung saan nakatira si Buloy. Sinabi nya na dun yun banda sa may Green Heights. Okay. Saan yun? At paano ako pupunta dun?
Kahit naman kasi may mga subdivsions dito. Pedicab at kabayo lang ang sakayan dito.
Tinanong ko nalang si Manong kung anong street sila Buloy at kung magkano ang fare fee.
"Mam, gusto niyo po ihatid ko nalang ho kayo kila Sir Kemlloyd?"
Tiningnan ko si Manong at tumango nalang ako sa plano nya. Abaaa Bakit di ko naisip yun?
Malayo layo rin pala yun. Sa loob pa nga lang nang subdivision namin. Malaki na yung agwat nang mga bahay. Pag lumabas ka dun. Barangay na agad. At mas malalaki pa yung agwat nang bahay. Kaya parang ang layo layo lagi nang pupuntahan mo.
Hinawi ko yung buhok sa mukha ko para makita yung sign. Nabasa ko naman yung nakalagay na "Welcome to Green Heights". Napansin kong lumiko si Manong nang ilang beses at di ko talaga matandaan kung saan saan sya lumiko.
"Mam Kyra, Andito na ho tayo."
"Ah manong. Kyra na lang po. Salamat po. Tatawag nalang po ko kapag uuwi napo ako."
Bumaba ako sa pedicab ni Manong at pinanood na umalis yung pedicab. Tsaka humarap sa bahay nila Buloy.
In all fairness, maganda ang mga bahay dito. Including yung kila Buloy. Okay so ano nang gagawin ko ngayon?
Bakit ba kasi parang hindi marunong lumabas nang mga bahay ang mga tao dito? Jusmeeee.
Teka. Bakit ba kasi ako nandito? Yung totoo? Hay nako. Uuwi na nga ako. Tatawag na ako kay Manong.
"Excuse me Ate."
Ibinaba ko ang cellphone mula sa tenga ko. At tumingin sa kumalabit akin.
"Hi! Bakit?" Umupo ako para maging ka level ko sya. Ang cute cute naman nang batang to.
"Eto po yung handog namin ngayon. Bakasyunista po kasi kami dito sa lola namin. Nagluto po sya nang specialty nya."
Inabot nya sa akin ang nakaplastik na biko ata yun. Basta kakanin yun. Itsurang biko.
"Para sa akin to?"
"Opo. Para po dyan sa nakatira sa bahay na yan. Binibigyan po kasi ang lahat nang tao dito pag nagluluto si Lola." Sabay turo nya sa bahay nila Buloy.
"Ahhh. Salamat pero-"
"Sige po. Babye po. Hinahanap na po ako ni Lola ee." Tapos tumakbo na sya palayo. Okay. Ano nang gagawin ko?
Sabihin niyong may choice pa ako. Uuwi ba ako o hindi?
Eh sa nandito nalang din naman ako. Hindi naman para sa akin tong kakanin na ito. Hay. Oo na. Kakatok na ako.
Kinatok ko yung pintuan nila Buloy. Oo. Probinsyang probinsya dito. Walang doorbell. Lahat nang bahay. Gawa sa kahoy.
Bakit parang walang tao? Nakakailang katok na kasi ako pero walang nagbubukas. Last na katok na to. Pag walang lumabas. Uuwi na ako.
Okay wala talagang lumalabas. Tatalikod na sana ako kaso biglang bumukas yung pinto at kasabay nang pagbukas nun...
Bumagsak sakin si....
"BULOY?"
"Ky--" Tapos pumikit na sya.
BINABASA MO ANG
The Lovestory of a Kaninbaboy
Teen FictionLahat tayo may kaniya kaniyang lovestory.. Meron tayong sari sariling kwento na may sari sariling panimula at pagtatapos. This is an one of a kind lovestory that has an one of a kind plot.