CHAPTER 11
"Hala. Manong! Paano po ba ito ginagawa?"
Nilapitan naman ako ni Manong na tinatanungan ko tatlong linggo na ang nakalipas.
Oo. Tatlong linggo na akong mag isa sa ancestral house namin. Huhuhu! Eh kasi iniwan nila ako. At yung totoo. Sabi nila imamanage ko daw ang fields dito pero. UNFORTUNATELY. Eh mukhang ang mga tao pa ata ang magmamanage sa akin. And here I am. Tatlong linggo na at wala pa din akong magets sa tinuturo nila!
"Mam ganito po kasi ang hila sa makina. Hindi niyo po itutulak." Hindi ko ba alam kung pagod na si Manong sa katuturo nang ganito sakin.
"Ahh. Pasensya na Manong. Wala po kasi talaga akong alam dito." Sabay peace sign ko kay Manong.
"Ayos lang ho mam. Naiintindihan niyo na po ba?" SLOW ako. At di ko pa talaga naiintindihan.
"Manong pwedeng last nalang?" Napansin ko naman ang pag iling ni Manong.
Maya maya lang. Umalis na din si Manong. May mga gagawin pa daw kasi sya.
Naiwan nanaman ako magisa dun sa machine na to. Actually ito yung manual machine na ginagamit para durugin yung feeds nang mga alaga namin sa field na to.
"Baross!" Lumingon naman ako sa likod ko at nakita ko si Buloy na papalapit sa akin.
"Anung ginagawa mo dito?" Tumawa sya nang mahina tapos yumuko para abutin ang level ko.
"Namiss mo ko nuh?"
Automatic naman akong napatingin sa kanya.
"Grabe ano? Saan mo ba talaga hinuhugot yang self confidence mo?"
"Ayaw pa kasing aminin ee! Namiss mo talaga ako ee." Sabay kiliti nya sa tagiliran ko.
"Kemlloyd! Tigilan mo nga." Sabay tulak ko sa kanya. Namiss nya mukha nya. Sino bang makakamiss sa kanya aber?
"Taraaa. Sama ka sakin!" Hinila nanaman nya ako pero pumiglas ako.
"Sandali! Di ko pwedeng iwan dito. Ako amg incharge Buloy ee." Ngumiti naman sya sakin.
"Ganun ba? Edi.." Tumakbo sya palayo kaya bumalik nalang ako sa ginagawa ko kanina.
Mga 20minutes din akong gumawa at nagdurog nang feeds para sa mga animals na alaga namin. Ang hirap pala nito. Hindi pa naman ako sanay sa mabibigat na gawain dahil may yaya kami sa Manila.
Bibitbitin ko na sana at magpapakain na sana ako kaso may biglang pumigil sa akin.
"Akin na po Mam Baross."
Tiningnan ko naman ang tumulong saking magbuhat nang feeds.
"Buloy?" Sabay tanggal ko dun sa sombrero nya sa ulo.
"Yes mam! At your service!"
"Anong ginagawa mo? Ano yang suot mo? Bakit ganyan?" Kasi naman. Yung damit nya ay damit pangtrabahador talaga. Pak na pak ee. Haha. Cinareer nya talaga. Natatawa tuloy ako.
"Eh kasi kung hindi kita makakasama ngayong lumabas. Edi ako nalang ang sasama sayo dito sa loob." Tapos kinindatan nya ako.
At seryoso. Natawa na talaga ako sa aura niya nung kumindat sya. Parang abnormal talaga to ee.
(A/N: A very short and crappy update. Sorry! Bawi ako sa succeeding chaps. :) Pavote naman oh? XD Thankies.)
BINABASA MO ANG
The Lovestory of a Kaninbaboy
Teen FictionLahat tayo may kaniya kaniyang lovestory.. Meron tayong sari sariling kwento na may sari sariling panimula at pagtatapos. This is an one of a kind lovestory that has an one of a kind plot.