CHAPTER FIFTEEN

4 0 0
                                    

CHAPTER 15

"Baross, gising naaaa!" INAANTOK PA AKO!

"Hmm. Ayaw ko paaaa!"

"May inuutos si Kuya mo!"

Oo. Magpapasahod nang trabahador. Kaso inaantok pa ako. Dulot nang binantayan ko lang naman yung lalaking gumigising sakin ngayon kagabi!

"Asdfghjkl!"

"Anoooo?" Ah asar! Ang slow!

"Ang sahod document nasa fone gamitin mo, hilahin mo jacket ko, labas!"

Di niyo din nagets? Yung docoument nang sahod nasa phone ko. Tapos hilahin nya yung jacket ko. May pera sa ilalim nun. Tapos lumabas sya. Gets niyo na?

"Bumangon ka na kasi. Hindi ko nagets yung sinabi mo!"

"Arrrrrrrgh!"

Pinilit ko dumilat tapos pumungay pungay muna ako sa kanya.

OHMYGOSH.

Nandito pa din ako sa bahay nila Buloy. Kaya pala ginigising ako nito.

"Sabi ko kasi sayo gumising ka na! Kanina pa tumatawag kuya mo!"

"WHAAAAAAAAAT?"

"ARAY naman baross! Ang sakit sa tenga. Eh kung naliligo ka na kaya?"

"Saan? Dito?" Tanong ko.

"Uwi na ako!" Sabi ko ulit.

"Hatid kita. Okay na ako. Wag ka mag alala."

Parehas kaming sumakay sa bike nya at nagmamadaling umuwi. Waaaaah! Lagot ako kay Kuya. Enebeyen!

Nakarating naman kami agad. Kaso ang sukal lang nang dinaanan namin. Puro talahib. Ang nakakainis pa. Yung kasama ko. Presentable. Ako! Daig ko pa ang Zombie sa itsura ko. Azar.

Pumasok muna ako sa loob ng bahay. Nakita ko si Manang Mildred na kausap si Kuya sa cellphone ni Manong. Mag asawa sila ee. Hehe.

"Kyra iha. Saan ka ba nanggaling? Nag alala kami sayo."

"Long story po manang. Ano pong sabi ni Kuya?"

"Mag usap daw kayo mamaya."

OH. MY. DOUBLE. GOSH. Patay ako.

Nagmadali akong maligo. As in. Buhos buhos nalang. Kuskos dito. Kuskos doon. Then shampoo dito. Shampoo doon. Banlaw here. Banlaw there at voila. Tapos na.

Nagmadali din akong kuhanin ang pera. Buti nalang at naaral ko na ang document nang pagpapasahod. Phew. Bumaba ako at lumabas na sa likod nang bahay para imeet yung mga trabahador.

Nung malapit na ako. Narinig ko si Buloy na tumatawa. Pati lahat nung workers, nagtatawanan na din.

Sinilip ko kung anong nangyayari. Tas nakita kong nakapila na sila. Ayon sa mga trabaho nila. Tapos kausap nila si Buloy na nakaupo din sa damuhan at nakikipagtawanan. He is really that simple at napaka down to Earth nya.

Bumalik ako sa loob at nagpunta kay Manang.

"Manang Mildred? Pwede po bang ipagluto niyo po ang mga trabahador? Sabay sabay na po tayong kumain nang tanghalian."

Ngumiti lang sa akin si Manang Mildred tapos lumabas na ako ulit.

"Ah. Hello po. Magandang Tanghali po. Pasensya na po nahuli ako."

The Lovestory of a KaninbaboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon