CHAPTER FOURTEEN

5 1 0
                                    

CHAPTER 14

"Buloooy? Huy. Gumising ka please."

Hila hila ko sya ngayon papasok nang bahay nila. Humanap ako nang pwedeng paghigaan sa kanya.

"A-te K-K-Ky-ra?"

Lumingon ako sa tumawag nang pangalan ko. Nakita ko naman ang isang batang babae na sobrang mugto nang mata at kitang kita mo na kanina pa sya umiiyak dahil panay ang hikbi nya. Bumaba siguro sya nang hagdan nung marinig nya ako.

Tinuro nya naman yung sofa nilang gawa sa abaka na may foam. Inakay ko si Buloy papunta dun tsaka ko sya hiniga. Lumapit naman ako dun sa bata na tumawag sakin.

"Kuya mo si Kemlloyd?"

Pinunasan ko yung luha nya tapos tumahan na din naman sya. Umupo ako sa hagdan nila tapos kinandong ko sya.

"Opo. Kuya ko po sya. Mainit po sya kagabi pa po. Di pa po kami kumakain kasi di po sya makatayo."

"Ha? Di pa kayo kumakain? Diyan ka lang. Titingnan ko lang si Kuya mo."

Pinaupo ko sya sa hagdan tapos lumapit ako kay Buloy. Pinatong ko ang kamay ko sa ulo nya. JUSKO. Ang init nga nya. Tulog pa din sya.

Binalikan ko yung kapatid nya. Aya pala ang name nun. Nalaman ko pa na wala pala yung parents nila. Tapos. Nakabakasyon yung yaya nya. Tumayo ako at sinabing ipagluluto ko sya kaya bumalik muna sya sa kwarto nya. Sumunod naman si Aya tapos dumerecho na ako sa kusina.

"Anong gagawin ko? Di ako marunong magluto!"

Nakoooo. Kyra. Mag isip ka. Mag isip ka. Si Manang Mildred? Wala namang cellphone si Manang Mildred. Si Kuya! Tama. Si Kuya.

Dinial ko ang number nya at sumagot naman sya. Ohmygosh! Yes!

"Hello? Kuya? Busy ka?"

"You are lucky I'm not. Why?"

"Kuya. Ahm. Anong pwedeng lutuin for sick people?"

"You can try Chicken Soup or kaya Sopas lang."

"HOW CAN I COOK THAT?"

Narinig ko namang tumawa si Kuya over the phone tas pinakuha nya na din ako nang mga gamit at ingredients.

Buti na nga lang at merong mga stock dito sila Buloy nang mga canned na gatas at corned beefs. May macaroni sila. Pero fresh. Yung ginawa lang? Ganto ata sa probinsya. Natural yung mga pasta. Itinuro naman ni Kuya sa akin kung anong gagawin ko. Pinaka nahirapan ako sa pagpapaapoy nang gatong. Ang hiraaaaap pala nun.

"Ano nang lasa?"

"Hmm. Okay na. Salamat kuya. Sorry if naabala pa kita."

"Para kani---"

"Bye kuya! Loveyou!"

Phew. Masyado din kasing mausisa ang Kuya ko kaya mabuti nang patayin ko na lang ang phone.

Inangat ko yung kaldero gamit yung pot holder.

"Okay? Paano ko papatayin ang apoy?"

Paano ko nga pala papatayin tooo? Baka masunog kami kung iiwan ko to. Dahil wala akong maisip. Binuhusan ko na lang nang tubig ang apoy na sinindihan ko kanina. Tapos pinagsandok ko na nang pagkain si Aya at si Buloy.
Una kong inakyat kay Aya yung pagkain nya. Kumatok ako sa pintuan nang kwarto nya.

Binuksan nya ako at nilapag ko sa kama nya ang pagkain

"Aya. Kain ka na oh."

"Ate Kyra! Thank you po ha?"

The Lovestory of a KaninbaboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon