Chapter 1

152 33 22
                                    

Oh my God, kung kailan mag papasukan doon ako nilagnat. Malapit na ang enrollment namin, nakapasa kasi ako sa state university dito sa amin.

"Ma, hindi ba talaga ako pwedeng pumunta sa campus?" tanong ko, hindi pa ako totally magaling pero feeling ko, kaya ko na.

"Anak, ang Tita mo nalang ang mag e-enroll sa'yo." sagot ni mama.

Naiintindihan ko naman dahil nga nag-aalala lang sila sa akin. Mabuti na lang at doon nag ta-trabaho ang Tita ko, pinsan ni Mama.

"Magpagaling ka na dahil malapit na ang pasukan ninyo, kailangan mong magpalakas anak lalo na't senior high school ka na."

"Yes, Mama." sagot ko naman kay Mama.

I'm often to get sick, i don't know why. Maybe my immune system was the problem. Hindi rin kasi ako mahilig sa gulay at prutas. I'm a picky eater. Kaya lagi akong napapagalitan nila Mama, well hindi ko naman sila masisisi dahil sobrang pili lang ng mga kinakain ko.

Gusto kong gumaling na dahil malapit na ang pasukan, though online class sa week na 'yon and then the other week, face-to-face naman, alternate kumbaga.

Excited ako dahil senior high school nako, dati kasi tinatawag kong ate ang mga senior high school students sa dati kong school, ngayon naman ako na ang tatawaging ate sa bagong school na pinasukan ko.

Meadows State University ang papasukan kong school, ayoko talaga ro'n. Ewan ko ba, sina Mama lang naman ang nagpumilit sa akin na roon ako pumasok, ayoko lang na mahiwalay sa mga kaibigan ko pero siguro tadhana na talaga ang may gusto na hindi kami magkasama-sama. Hindi bale na, nakakausap ko pa rin naman sila.

Naiinip ako kaya naisipan kong i-chat ang baliw kong kaibigan na si Ariel, biro lang, mabait 'yan.

Amery:
Ariel, excited na kinakabahan ako sa pasukan.

Ariel:
Nako, Amery ganyan din ako, lalo na't ibang school na ang papasukan nating dalawa.

Amery:
Hindi ako sanay na hindi ko kayo kasama.

Ariel:
Maghanap kanalang ng gwapo sa campus ninyo, alam ko maraming gwapo sa MSU.

Kahit kailan talaga 'tong si Ariel, ang hihilig sa mga gwapo, mahilig din naman ako sa mga gwapo pero mas mahilig sya.

NBSB ako. Ayaw ko pa kasing mag boyfriend. Hanggang crush lang ako. May mga sumubok na ligawan ako, pero study first talaga 'ko, kaya hindi ko na lang sila pinapansin.

Naniniwala kasi ako na may nilaan talaga si God para sa akin. At syempre pinag p-pray ko rin na sana kapag dumating na ang araw na 'yon ay handa na ako.

Actually, natatakot talaga ko na magkaroon ng boyfriend. Maybe I'm afraid to get hurt. And hindi pa ako ready sa commitment.

Inaantok na ako, bago ako natulog ay nagpaalam muna ako sa kaibigan ko at naghilamos para makatulog na ako. Kailangan kong bumawi ng tulog dahil malapit na ang pasukan.

When I woke up, nakita kong alas otso na ng umaga kaya dali-dali akong bumaba upang mag hilamos at makakain na.

Pagkapunta ko sa dining area ay tinawag na ako ni Mama.

"Amery, halina't kumain na tayo, Anak." salubong sa akin ni Mama.

Umupo naman ako at nagsimulang kumuha ng pagkain.

"How's your sleep, Nak?" tanong ni Papa.

"Ayos lang Pa, napasarap po ang tulog ko." ngiti ko.

Magana akong kumain dahil na rin siguro late na kaya gutom na talaga ko.

Her Asset Where stories live. Discover now