Hinubad ko agad ang heels ko pagpasok ko ng aking condo. Masakit na rin kasi ang paa ko kanina pa. Nagpahinga muna ako bago ako naghilamos.
Tinanggal ko ang suot ko na kwintas at nilagay ito sa kanyang lalagyan. Nang kinapa ko ang singsing ko para hubarin na ito, hindi ko ito nakapa.
Nang tingnan ko ang aking daliri ay wala akong nakitang singsing doon. Kaagad akong nag-panic. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi pwedeng mawala ang singsing na 'yon.
Naiiyak kong inalala kung saan ko ba ito nailagay. Hanggang sa pumasok sa isip ko ang nangyari kanina sa cr.
Hinubad ko ang singsing ko roon. Pero hindi ko ito naisuot dahil nakalimutan ko itong kunin. Kinausap kasi ako ng babae kanina kaya nawala sa isip ko ang singsing ko.
"Maghilamos na nga muna ako."
Kinakausap ko ang sarili ko ngayon. Habang naghihilamos ako, hindi matanggal ang pag-aalala ko. Baka may kumuha na sa singsing na 'yon.
Dapat pala ay hindi ko na ito tinanggal. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako kaagad ng aking pantulog. Naisip ko na bumalik na lang roon para kunin ang singsing ko, pero naisip ko rin na tapos na ang party.
Nasa bahay na sigurado sina Tita niyan. Ayaw ko namang tumawag sa kanila dahil nagpapahinga na siguro sila.
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog. "Ang malas ko naman!" Naiinis na ako sa mga nangyari.
Bakit ko ba kasi naisipang suotin ang promise ring na 'yon? Napabuntong hininga na lang ako dahil wala talaga akong magagawa.
Nangyari na, eh. Ano pa bang magagawa ko?
Habang nakatitig sa kisame ay biglang nag-ring ang phone ko. Nagtataka naman ako kung sino ang tumatawag sa akin dahil malalim na ang gabi.
Pero napaupo ako sa aking kama nang makitang si Tita ang tumatawag sa akin. Gising pa pala sila. Sinagot ko ang tawag at ipinatong ito sa aking tenga.
"Hello, Tita. Bakit po kayo tumawag? Late na po, dapat nagpapahinga na po kayo ngayon."
Nanigas ako sa kinalalagyan ko nang marinig ko ang mga hikbi ni Tita. "Tita? What happened? Where are you, Tita? Why are you crying, Tita?"
Nawala sa isip ko ang nawawala kong singsing dahil sa mga hikbi ni Tita. "A-Amery, s-s-si I-Ivan."
Hirap na hirap itong magsalita dahil sa mga hikbi niya. "What happened to him, Tita?"
Umalis agad ako sa aking kama dahil nag-aalala ako. "N-nasa h-hospital si I-Ivan, Amery."
Parang tinambol ang puso ko nang marinig ang sinabi ni Tita. "Saang hospital po, Tita? Pupuntahan ko po kayo."
Kinuha ko agad ang susi ng aking kotse para puntahan sina Tita. Hindi ko alam ang nangyari kay Ivan, pero kung nasa hospital siya ay isa lang ang ibig sabihin no'n. Hindi maganda ang lagay niya.
I was praying while driving.
Nang makapunta sa hospital ay agad kong tinanong kung anong room number ni Ivan. Halos tumakbo na ako para lang mapuntahan siya.
Hindi na rin ako nag-abalang
magbihis dahil sa aking pagkataranta. Naka-tsinelas lang din ako sa aking pagpunta sa hospital.Binuksan ko ang pinto kung nasaan si Ivan. Nadatnan ko roon si Tita. Kumalma na sa pag-iyak si Tita. Pero kita ko pa rin ang pamumula ng kanyang mga mata.
"Tita."
Lumingon siya sa akin at nilapitan ko siya para yakapin. "I'm here, Tita." Bumuhos muli ang luha ni Tita, wala akong magawa kung hindi ang patahanin siya.

YOU ARE READING
Her Asset
Teen FictionAmery Gem Thompson is a senior high school student in the ABM strand. She promised herself to focus on academics, but she met a guy in the Zoom meeting. She has a crush on him, but it also turns into love. A guy named Ivan Ace Davis, who is in Grade...