They say time will fly by when you are happy. You will not notice that you are nearing the finish line. Malayo pa pero malayo na.
We are now fourth-year college students. Totoo nga na walang-wala ang aming mga pinagdaanan sa high school o senior high school. 'Di hamak na mas mahirap ang college life. Tipong masaya ka na kung magkaroon ka ng score sa mga quizzes or exams mo.
Pero rati ay iniiyakan ko pa kung may isa akong mali o kung hindi perfect ang score ko.
Ang mas nakakatok pa ay unti-unti kaming nababawasan. Ngayong fourth year college kami ay maraming nag-shift ng course.
Sabi ng iba ay hindi na raw nila kaya. Ang iba naman ay gusto ng mag graduate kaya nag-shift ng course. Five years kasi ang accountancy kaya hindi pa kami graduating. Next year pa lang ang graduation namin.
Bigla kong naimagine na nag-aaral pa rin si Ivan kapag nag-trabaho na ako. Aware naman akong matagal talaga ang med school. Pero alam kong kakayanin ni Ivan 'yon. Susuportahan ko siya hanggang sa maging Doktor siya.
"Amery."
Medyo nagulat pa ako nang tawagin ako ni Christoff. May hawak itong plastic na may lamang pagkain.
"Christoff? Nandito ka pala. Sorry, hindi kita napansin."
Inilapag niya ang dalang pagkain sa table. Umupo siya sa upuan na nasa harap ko.
"Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap."
"Why? May problema ba?"
Umiling siya. "Wala naman, ibibigay ko lang 'to sa'yo."
Inusog niya ang pagkain sa harap ko. Nagtataka lang ako sa kanya. Bakit niya ako bibigyan ng pagkain? Hindi ko rin naman makakain ito dahil busog pa ako.
Pero bago pa ako makasagot ay may sumagot na para sa akin.
"I'm sorry, but she's still full. Katatapos lang naming kumain."
Nagulat ako dahil nandito siya. Wala ba siyang klase ngayon? Naka puti pa itong uniform at may namumuong butil ng pawis sa kanyang noo. Parang tumakbo siya papunta rito.
"Ivan, wala ka bang class ngayon?"
Pero hindi niya pinansin ang tanong ko. Nakatingin lang siya kay Christoff. Mukhang nagulat din nang bahagya si Christoff sa pagsulpot ni Ivan.
"You can give it to others, but not to my girlfriend." Mahinahong sabi ni Ivan.
Tumayo ako at lumapit kay Ivan.
"I just wanted to give her food. Marami kaming ginawa kanina kaya baka nagugutom siya."
"I'm okay, Christoff. Busog pa naman ako." Hinila ko na si Ivan paalis ro'n. Ang awkward na rin kasi ng atmosphere namin. "Aalis na kami, Christoff. Salamat sa pagkain pero ibigay mo na lang 'yan sa iba."
Umalis na kami ni Ivan. Nang tumigil kami sa paglalakad ay hindi pa rin siya kumikibo. Tila malalim ang kanyang iniisip.
"Ivan, bakit ka nandoon? Wala ka bang class ngayon?"
Bumuntong hininga siya bago sumagot sa akin.
"Why? Ayaw mo bang nandoon ako?"
Natawa ako sa sinabi niya.
"No, ang alam ko kasi may class ka pa so i didn't expect na pupuntahan mo ako."
Umiling naman siya sa akin. "Vacant namin ngayon. Nagkaroon ng emergency yung Prof namin ngayon."
Kaya naman pala pumunta siya sa amin. Akala ko mo ay kabute, bigla-bigla na lang susulpot.
"Christoff, huh?"
YOU ARE READING
Her Asset
Teen FictionAmery Gem Thompson is a senior high school student in the ABM strand. She promised herself to focus on academics, but she met a guy in the Zoom meeting. She has a crush on him, but it also turns into love. A guy named Ivan Ace Davis, who is in Grade...