Nagising ako na katabi si Ivan. Masarap pa rin ang tulog nito kaya pinagmasdan ko muna siya. Nakayakap pa rin sa akin ang kanyang dalawang kamay kaya hirap akong gumalaw.
Ayaw ko namang magising si Ivan sa paggalaw ko. Gusto kong makapagpahinga siya. Alam ko naman na pagod siya sa kanyang trabaho.
Inangat ko ang aking kamay para abutin ang kanyang malambot na buhok. Sinuklay ko ang kanyang malambot na buhok gamit ang mga daliri ko.
Maya-maya pa ay minulat niya ang kanyang mga mata. Ang akala ko ay babangona siya, pero hinigpitan niya lang ang kanyang yakap sa akin at isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg.
"Good morning, baby."
Pinagpatuloy ko ang pagsuklay sa kanyang malambot na buhok. Napangiti rin ako nang marinig ang kanyang boses ngayon bagong gising ito.
"Good morning, Ivan."
Humarap siya sa akin at ngumiti. Akmang hahalikan niya ang aking labi nang pigilan ko ito. Hinarang ko ang aking dalawang kamay para hindi maituloy ang binabalak niya.
"Ayaw mo na ng kiss ko?"
Umiling ako. "Hindi pa ako nagsipilyo, Ivan."
Tumawa siya sa sinabi ko. Hinawakan niya ang magkabila kong kamay para tanggalin ito sa pagkakatakip sa aking mukha.
"So? I don't care, baby."
Inilapit niya nang dahan-dahan ang kanyang ulo sa akin. Inabot ng labi niya ang labi ko at siniil ako ng halik. Habang tumatagal ang kanyang halik ay dumidiin din ang pagsiil niya sa akin ng halik.
He slowly brought his head closer to me. He reached his lips toward mine and pressed a kiss. As his kiss lasted, he pressed his kiss on me more and more.
He positioned himself on top of me, and I held the back of his head to press his kiss on me more.
He removed his lips from mine and kissed my neck. I took a few deep breaths because of how he was making me feel.
I bit my lip to stop the sounds that wanted to escape my mouth. His lips returned to mine, so I put my two hands on his neck and returned the kiss.
"Amery." He whispered.
Itinigil ni Ivan ang ginagawang paghalik niya sa akin. Namumungay ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.
Bigla akong namula nang maalala ang tagpo namin kanina. Umalis sa ibabaw ko si Ivan at tinulungan niya akong bumangon.
Dumiretso ako sa cr at naghilamos. Nang makita ko ang aking mukha sa salamin ay bigla akong nahiya. Sabog na ang aking buhok at namumula ang aking labi.
Pagkalabas ko ng banyo ay si Ivan ang sumunod sa akin. Tumungo ako sa kusina para magluto ng aming almusal.
Habang nagluluto ako ay may biglang yumakap sa akin sa likod. Naging hobby niya nang gawin ito, ah?
"Anong oras tayo pupunta para makausap si Claire?"
Sumagot ako habang nagluluto. "11 pm."
Naramdaman kong tumango si Ivan. Nang matapos ako sa pagluluto ay sabay kaming kumain ni Ivan.
Pagkatapos naming kumain ay naghanda na kami para pumunta sa *** café. I badly want to talk to Claire right now.
May dalang damit si Ivan kaya hindi niya na kailangang umuwi sa condo niya. Mukhang pinaghandaan niya talaga ang pagpunta rito, ah?
"Are you ready to go, baby?"
Tumango ako kay Ivan kaya hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan akong makasakay sa kanyang kotse.

YOU ARE READING
Her Asset
Roman pour AdolescentsAmery Gem Thompson is a senior high school student in the ABM strand. She promised herself to focus on academics, but she met a guy in the Zoom meeting. She has a crush on him, but it also turns into love. A guy named Ivan Ace Davis, who is in Grade...