Chapter 49

24 10 0
                                    

"Baby."

Huminto ako sa paglalakad nang marinig ang katagang 'yon sa bibig ni Ivan. Nanlamig ang aking katawan at hindi ako nakagalaw.

Isa lang ang naiisip ko, bumalik na ang alaala ni Ivan. Tinawag niya na ako sa nakasanayang tawag niya sa akin.

Hindi ko alam kung lalapit ba ako sa kanya dahil parang nakadikit ang mga paa ko sa sahig. Sobrang lakas ng pagtibok ng aking aking puso.

Nang makita ni Ivan na hindi ako makapunta sa kanya, bumaba siya sa kanyang higaan at lumapit sa akin.

Niyakap niya ako nang mahigpit. Doon bumuhos ang mga luha ko. Niyakap ko siya pabalik habang humahagulgol. Isinubsob ko ang aking mukha sa kanyang dibdib at doon inilabas ang aking emosyon.

Hinawakan ni Ivan ang aking ulo at hinalikan niya ang aking noo. Hinaplos niya ang aking buhok na parang pinapatahan ako sa pag-iyak.

Pero ang mga luha ko ay patuloy pa rin sa pagbagsak. Nakayakap pa rin ako sa kanya dahil pakiramdam ko, mawawala siya sa tabi ko kapag binitawan ko siya.

"I'm sorry, baby."

Nanatili kami sa ganoong posisyon. Nang kumalma na ako sa pag-iyak ay hindi pa rin ako bumibitaw sa kanya.

Naglakad si Ivan papalapit sa kanyang kama kaya sumunod ako sa kanya habang nakakapit sa kanya. Umupo siya sa kama at gano'n din ang ginawa ko. Hindi rin binitawan ni Ivan ang yakap niya sa akin.

"I'm really sorry, baby. I remember everything now, baby. I'm sorry for not remembering you."

Umiling ako at humarap sa kanya. "Wala kang kasalanan sa nangyari, Ivan."

Tinanggal ko ang pagkakayakap ko sa kanya. "Maayos na ba ang pakiramdam mo? Sumakit pa ba ang ulo mo."

Umiling siya. "I'm okay now, baby. I'm relieved to feel your presence."

Tumango ako. "Magpahinga ka na muna. Dalawang araw ka na rito sa hospital. Kailangan mong magpalakas para makauwi na tayo."

Humiga siya sa kanyang kama. Aalis na sana ako sa pagkakaupo para puntahan si Tita pero hindi ko nagawa 'yon dahil hinawakan ni Ivan ang kamay ko. Pinipigilan ako nito sa aking pag-alis.

"Tabihan mo ako, please."

Para itong tuta na nagmamakaawa sa akin. Natawa ako nang bahagya pero ginawa ko rin kalaunan ang kanyang sinabi.

Humiga ako sa tabi niya at niyakap niya agad aking bewang. Yumakap ako pabalik sa kanya. Sinusuklay ni Ivan ang aking buhok gamit ang mga daliri niya.

Hindi ko maiwasang ipikit ang aking mga mata dahil tinatamaan na ako ng antok. Hanggang sa tuluyan na akong tinangay ng antok. Bago ako tuluyang makatulog, may binulong sa akin si Ivan.

"Sleep, baby. I love you."

Nagising ako dahil sa sinag ng araw sa aking mukha. Naramdaman ko ang kung anong mabigat sa aking bewang at nakaunan ako sa matigas na bagay.

Nang maalala ko ang nangyari kagabi ay agad kong idinilat ang aking mga mata. Nakita ko si Ivan na mahimbing pa ang tulog. Hindi ko ito ginising para naman mabawi nito ang kanyang lakas.

Pinagmamasdan ko lang ang mukha ni Ivan nang marinig kong may pumihit ng pinto at bumukas ito. Nilingon ko kung sino ito at nakita ko si Tita.

Nahiya naman ako sa posisyon naming dalawa ni Ivan kaya tinanggal ko ang pagkakayakap sa akin ni Ivan. Pero hindi ko ito nagawa dahil mas hinigpitan ni Ivan ang yakap niya sa akin.

"Huwag ka nang umalis sa tabi ni Ivan, Amery. Mukhang ayaw ka niyang lumayo."

Namula naman ako sa sinabi ni Tita. Pero mas namula ang aking mukha nang makita ko ang mapang-asar na ngisi ni Tita.

Her Asset Where stories live. Discover now