Chapter 38

23 6 0
                                    

Ilang buwan na ang nakalipas pero hindi pa rin ako sanay na hindi nakikita at nakakasama si Ivan. Hindi rin naman kami nag-uusap araw-araw dahil na rin maraming ginagawa. 

Lalo na't malapit nang matapos ang school year. Ilang buwan na lang ang titiisin ko para mag-graduate na. 

Nandito ako ngayon sa room. Iniisip ko kung ano ang ginagawa ni Ivan ngayon. Malaki ang agwat ng oras namin. Kaya hirap din ako sa pakikipag usap sa kanya.

"Boo!"

"Ahh!" 

Napatili ako nang may gumulat sa akin. Nilingon ko naman si Christoff na ngayo'y nakahawak sa tiyan at tawa nang tawa. 

Hinampas ko naman ang braso nito para gumanti sa pag-gulat niya sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin. Pero parang wala siyang pakialam dahil patuloy pa rin siya sa pagtawa.

"Bakit ka ba nanggugulat?!"

Nang kumalma na ito ay umupo siya sa tabi ko. Inayos niya pa ang buhok niya na nagulo kanina. 

"Masyado kasing malalim ang iniisip mo. Iniisip mo si Ivan, noh?"

Bumuntong hininga ako dahil tama ang sinabi niya. Tinapik ako nito sa kanang balikat ko. 

Sinusubukan ko namang libangin ang sarili ko. Pero nakikita ko na lang ang sarili ko na nakatingin sa mga pictures namin nang magkasama pa kami.

"Sabi ko na nga ba at siya na naman ang iniisip mo. Lagi ka na lang ganyan simula nang umalis si Ivan."

Hinilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko. "Miss na miss ko na siya, Christoff."

"Sigurado namang miss ka na rin ni Ivan. Uuwi rin naman siya, 'di ba?"

Oo nga pala, uuwi si Ivan sa Sabado. Gusto ko nang hilain ang oras para makita ko na siya. Dalawang araw lang siya rito, may pasok pa kasi siya kaya kailangang bumalik siya agad. 

"Yeah, I can't wait to see him, Christoff."

"By the way." Christoff. Nilingon ko siya. "Hmm?" Sabi ko.

"Doon din nag-aaral si Claire, 'di ba? Hindi ka ba natatakot na baka may gawin siya kay Ivan? Kalat na kalat din kasi sa campus kung gaano siya ka obsessed kay Ivan."

Huminga ako nang malalim. Isa 'yan sa mga iniisip ko. May tiwala ako kay Ivan na wala siyang gagawing masama. Pero sa babaeng 'yon, wala akong tiwala. 

Hindi rin ako mapanatag lalo na sa sinabi niya sa akin noong nagkita kami sa airport. Hindi ako makatulog nang gabing 'yon dahil alam kong may posibilidad na lagi silang magkikita ni Ivan.

"Alam kong hindi ako sasaktan ni Ivan, Christoff. And I hope Claire knows her boundaries when it comes to my boyfriend."

Bago pa makapag salita si Ivan ay pumasok na sa classroom ang mga kaibigan ko. Inaaya nila ako na pumunta sa café dahil na miss daw nila ang pumunta ro'n. Nagpaalam  ako kay Christoff bago sumama sa kanila. 

Nakakapanibago lang talaga na hindi namin kasama si Ivan tuwing pumupunta kami sa café. 

Pagkatapos naming mag-order ay humanap kami ng table. Nang makaupo na kami ay kung ano-ano na ang sinabi nila. Halos puro sa acads ang mga ito. Habang ako ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. 

"Amery, huwag ka nang malungkot. Uuwi na rin naman si Ivan sa Sabado."

Binunggo pa ni Fatima ang balikat ko at kinindatan ako. Ramdam ko naman ang comfort ng mga kaibigan ko habang wala si Ivan sa tabi ko. At sobrang nagpapasalamat ako sa kanila. 

"Hindi gugustuhing malaman ni Ivan na malungkot ka, Amery! Alam ko kung gaano ka kamahal ng pinsan ko!"

Tipid akong ngumiti kay Mila at tinanguan siya. Ramdam ko rin naman kung gaano ako kamahal ni Ivan. 

Her Asset Where stories live. Discover now