Grade 11 was a blissful experience. We are now Grade 12 students. This is the last chapter of our high school lives.
Ang bilis masyado ng panahon ngayon.
Parang kailan lang ay nag o-orientation pa kami. Parang kailan lang ay hindi pa namin alam puntahan ang classroom namin. Parang kailan lang ay naliligaw kami sa campus.
Pero ngayon...
Grade 12 na kami, malapit na kaming mag-graduate.
Ang mga kaibigan ko ay kaibigan ko pa rin hanggang ngayon. Sobrang grateful din ako sa kanila. Sama-sama naming kinaya ang Grade 11.
Wala namang nagbago sa kanila, pwera lang kay Ivan.
Hindi ko alam kung anong nangyari.
Hindi ko alam kung may nagawa ba ako sa kaniya.
Hindi ko alam kung galit ba ito sa akin.
Maayos pa naman kami pero, bigla na lang siyang umiwas sa akin.
Tuwing tinatanong ko siya ay sinasabi niyang hindi naman ako nito iniiwasan at hindi rin ito galit sa akin.
Pero…
Iba ang sinasabi nya sa ikinikilos niya.
"Laurence."
"Ano 'yon, Amery?"
"May problema ba si Ivan?"
Si Laurence na ang tinanong ko dahil alam kong matalik na kaibigan niya si Ivan.
"Ah? Wala naman? Teka… May problema ba kayo ni Ivan? Bakit parang hindi kayo nagpapansinan? LQ ba kayong dalawa?
Sunod-sunod na tanong niya.
"Hindi niya kasi ako pinapansin. Kapag naman tinatanong ko siya ay tumatanggi siya. Saka, anong LQ ang pinagsasasabi mo? Wala kaming relasyon."
"Ayos naman si Ivan, Amery. Wala siyang sinasabing problema sa akin. Gusto mo ba kausapin ko siya?"
Umiling ako. "Hindi na. Ako na lang, Laurence. Thank you."
Pumunta ako sa classroom para puntahan sina, Julianna. May itatanong kasi ako sakanila.
"Julianna, Fatima, pinapansin ba kayo ni Ivan"?
Mahina ang pagkakasabi ko dahil baka marining kami ng mga classmates namin.
"Oo naman, Amery. Bakit? May problema ba?"
"Oo nga, hindi kayo nag-papansinan ni Ivan."
Bumuntong hininga ako, baka galit talaga siya sa akin. Pero wala naman akong ginawang masama sa kaniya.
"Hindi ko rin alam sa kaniya. Hindi niya ako pinapansin tapos feeling ko iniiwasan niya rin ako."
"Baka may problema lang siya kaya ganon, Amery."
"Pero, bakit kayo pinapansin niya? Tapos ako, hindi?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Nako, Amery. Lilipas din yan. Baka mamaya o bukas ay pansinin ka na niya ulit."
"Tama! Bukas, kausapin mo siya, Amery."
Kakausapin ko siya bukas. Sana lang ay hindi siya umiwas.
"Anong pinag-uusapan niyo?"
Nilingon ko ang nagsalita. Si Migs pala at kasama pa si Keith.
"Basta, girls talk." Sabi sa kaniya ni Fatima.
"Okay." Sabi ni Migs pero halata sa mukha niya na curious talaga siya sa pinag-uusapan namin.
Bumuntong hininga na lang ako at nakinig sa teacher namin nang pumasok ito para magturo ng FABM.

YOU ARE READING
Her Asset
Novela JuvenilAmery Gem Thompson is a senior high school student in the ABM strand. She promised herself to focus on academics, but she met a guy in the Zoom meeting. She has a crush on him, but it also turns into love. A guy named Ivan Ace Davis, who is in Grade...