Parang dati lang ay fourth year college student kami. Ngayon naman ay enrollment na namin para sa last year ng aming college life.
Ang daming mga students ngayon sa campus namin. Ang init pa naman ngayon ng panahon.
Natapos na kaming mag enroll pero hindi ko pa rin makita sina Ivan. Baka hindi pa sila tapos.
"Ang tagal naman nila! Puntahan na kaya natin sila?"
Naiinip na rin ang mga kasama ko. Hindi rin kasi kami makapunta sa classroom dahil ginagamit ang mga ito. Kaya wala kaming choice kung hindi ang mag-hintay sa labas.
Mabuti na lang talaga at may dala kaming payong ngayon. Kung hindi ay talagang naihaw na kami ngayon sa kainitan.
"Tara na! Ang init sa balat ng araw!"
Naglakad na kaming anim papunta sa building nila. Mabilis din ang ginagawa naming lakad dahil napapaso na ang aming balat sa init.
Nang makarating kami sa building nila ay kaunti na lang ang mga studyante. Marahil ay umuwi na ang iba.
Sakto naman ay nakita naming lumabas sina Laurence at Kent. Hinanap ng mata ko si Ivan pero hindi ko siya nakita.
"Nasaan pala si Ivan?" Tanong ko sa dalawa.
Nagkatinginan naman ang dalawa. Tila nagtuturuan kung sino ang sasagot sa akin. Bakit parang ang hirap sagutin ng tanong ko?
"A-ah, wala si Ivan dito, Amery."
Si Laurence ang sumagot sa akin. Nakita ko pa ang pasimpleng pagsiko ni Laurence kay Kent.
"N-nasaan si Ivan?"
Huminga nang malalim si Kent bago sumagot sa akin. "Ayaw naming pangunahan si Ivan, Amery. Kaya siya na lang ang tanungin mo."
Nagmamadali naman akong umalis sa campus. Kahit hindi sinabi ni Kent kung nasaan si Ivan ay alam ko na kung nasaan siya.
Sumakay lang ako ng jeep para pumunta sa bahay nila. Habang nakatingin sa labas ay hindi ko mapigil ang kaba ko.
"Para po!"
Bumaba na ako sa jeep. Binuksan ko agad ang payong ko para may panangga ako sa araw.
Pumasok ako sa loob gate nila.
Nag-doorbell ako nang makarating sa tapat ng napakalaking pinto nila.Hindi naman nagtagal sy pinagbuksan ako ng Mama ni Ivan. Parang nagulat pa siya na nandito ako sa harap niya. Wala kasi akong pasabi na pupunta ako rito kaya naiintindihan ko naman ang reaksyon ni Tita.
"Oh! Amery, you're here! Pasok ka, Nak. Si Ivan ba ang sadya mo?"
Tumango ako sa tanong ni Tita bago ako pumasok ng bahay nila. Pinapunta ako ni Tita sa kwarto ni Ivan. Ako na lang daw ang umakyat dahil maghahanda pa siya ng tanghalian.
Kumatok muna ako sa kwarto ni Ivan bago ako pumasok. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ni Ivan. Hindi naman ito ang unang beses na pumasok ako rito kaya sanay na ako kung saan pupunta.
"Ivan." Tawag ko sa kanya.
Hindi ko siya nakita sa kama niya. Nasa loob siguro siya ng cr. Umupo na lang ako sa kama niya at hinintay siyang lumabas.
Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. At tama nga ako, nasa cr nga siya kanina. Bagong ligo lang si Ivan.
Nang lumingon si Ivan sa banda ko ay nagulat siya. Nanlaki ang mga mata niya at umawang ang kanyang labi.
"Baby!"
Tinaasan ko lang siya ng isang kilay at hindi nagsalita. Pinagkrus ko rin ang dalawa kong kamay habang nakatitig sa kanya.
YOU ARE READING
Her Asset
Teen FictionAmery Gem Thompson is a senior high school student in the ABM strand. She promised herself to focus on academics, but she met a guy in the Zoom meeting. She has a crush on him, but it also turns into love. A guy named Ivan Ace Davis, who is in Grade...