Chapter 26

28 8 0
                                    

Natapos na sa wakas ang midterms. Sembreak na namin. Higit 1 month din ang sembreak namin. Nagsama kasi ang Christmas break at sembreak namin, kaya higit 1 month din kaming makakapag-pahinga.

I'm glad na na-survive namin ang first semester ng Grade 12. Alam naman kasi naming hindi ito madali. Pero nagawa namin.

Tapos na rin ang midterms ng aking kaibigan na si Ariel. Plano naming magkita ngayon.

2 weeks lang kasi ang sembreak nila. Kaya naman minadali namin ang aking lakad. Mabilis lang kasi ang oras ngayon.

Amery:

Ariel, papunta ka na ba?

Ariel:

Yes. Nasaan ka na?

Amery:

Malapit na ako. Ingat ka.

Ariel:

Ingat ka rin.

Hindi na ako nag-reply sa kanya. Pumara na ako sa jeep. Hindi na kasi ako nahatid ni Papa. Maaga siyang pumasok sa trabaho.

Magkikita kami ngayon sa malapit na café. Na-miss din namin ang bonding. Sobrang busy kasi namin sa acads.

Pumasok na ako sa café. Rito ko na lang siya hihintayin. Ilang minuto lang ang nakalipas nang makita ko na siyang papasok sa café.

"Ariel!"

"Amery!"

Yinakap ko siya. Na-miss ko siya nang sobra. Matagal na kaming hindi nagkikita.

"Order na tayo."

Nag-order na kami ng frappe. Cookies n cream ang inorder ko. Nag-order naman si Ariel ng Chocolate Reeses. Nag-order na rin kami ng pizza.

Nagugutom na rin kasi ako. Kanina pa ako kumain ng lunch.

Nang mai-serve na ang mga in-order namin ay humarap agad si Ariel sa akin. Alam ko na ang gusto nito.

"Magkwento ka na about kay Ivan."

Si Ivan agad ang gusto niyang topic. Ayaw niya ba akong kumustahin muna? Nakakatampo naman.

"Siya ang unang nagkagusto sa amin, Ariel."

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. See? Hindi talaga kapani-paniwala ang sinabi ni Ivan sa akin. Kahit sino naman ay magugulat.

"What?! As in?! Seryoso ka ba? O delulu ka lang?"

"Seryoso ako!"

"Pero...paano mo nalaman? Paano ka niya nagustuhan?"

Ikinuwento ko lahat ng nangyari sa kanya. Hanggang ngayon ay speechless siya.

"Alam ba niya na gusto mo rin siya?"

Tumango ako. Naalala ko ang pag-amin ko kay Ivan. Namula ang pisngi ko.

"Teka, namumula ka ba?"

"Hindi, mainit lang."

"Really? Ako pa talaga, Amery? Kilalang-kilala kita. Bakit ka namumula, huh? Huwag mong sabihing kayo na?!"

"Ano ka ba! Hindi no! Alam niyang gusto ko siya. Pero, hindi ko pa siya sinasagot."

"Kailan mo balak sagutin?"

"After graduation."

"Wow! Graduation gift. Bravo!"

Gusto ko munang makapagtapos ako ng senior high school bago ko siya sagutin. Alam ko namang mahihintay niya ako.

"Alam na ba nila Tito na nanliligaw siya?"

Her Asset Where stories live. Discover now