Nagpaalam na ako sa parents ko para pumasok sa school. Sinadya kong agahan dahil susunduin ako ni Ivan ngayon, nakakahiya naman kung maghintay pa siya sa akin.
Paglabas ko ng bahay ay nakita ko na ang kotse ni Ivan sa labas. Nang makita niya ako ay lumabas siya sa kotse. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at inalalayan ako.
"Good morning, Amery." Bati niya sa akin habang nag-d-drive siya.
"Good morning, din." Balik ko sa kanya.
"Malapit na ang intrams nating Grade 12, sasali ka ba ulit, Ivan?" Tinanong ko siya dahil sumali siya nung Grade 11 kami.
Tumango si Ivan sa akin. "Sasali pa rin ako. Sayang din kasi ang incentives."
Academic achiever tapos sporty pa. Great!
"Basketball pa rin sasalihan mo?"
"Yeah, susuportahan mo pa rin naman ako 'di ba?"
"Oo naman. I-b-betray ko na naman ang strand ko." Sabi ko sa kanya habang tumatawa.
Natawa rin siya sa sinabi ko at mahinang kinurot ang pisngi ko.
Pabirong tinapik ko naman ang kamay niya. "Mag-drive ka nga!"
Tinigil niya ang kanyang ginagawa pero natatawa pa rin siya sa ginawa niya.
"Ikaw? Sasali ka pa rin sa intrams?"
Umiling ako. "Hindi na muna. Marami kasing ginagawa sa school ngayon."
Saka baka sumali ulit si Claire tapos awayin na naman ako. Gustong-gusto niya pa naman si Ivan. Pero sorry siya, ako ang nililigawan.
Tumango lang siya sa akin at nagmaneho na hanggang sa makarating kami sa campus.
"Hatid na muna kita, maaga pa naman."
Tumango lang ako sa kanya at naglakad na. Nang makarating kami sa classroom ay humarap siya sa akin.
"Good luck. Kita tayo mamaya sa cafeteria." Sabi niya at nginitian ako.
Ngumiti rin ako sa kanya at tumango.
"Ang ganda naman ng ngiti ng isa diyan."
"Sana all na lang talaga."
Narinig ko agad ang dalawa kong kaibigan pag-upo ko pa lang.
"Tumigil nga kayo!'
"Kunwari pa 'to. Kinikilig naman."
Pabirong inirapan ko sila at tinawanan.
"Ang tagal matapos ng time ni Ma'am." Bulong sa akin ni Fatima habang nag l-lesson.
Tumango ako sa kanya at bumulong din. "Gusto ko nang pumunta sa cafeteria. Nagugutom na ako."
"Ang sabihin mo ay gusto mo nang makita si Ivan." Bulong niya ulit sa akin.
"Shhhh." Saway sa amin ni Julianna. Tinawanan namin siya ni Fatima. Tumahimik din kami at nakinig na lang.
"Finally!" Masayang sabi ni Fatima nang matapos ang klase.
"Punta na tayong cafeteria. Nagugutom na talaga ako."
"Si Ivan lang talaga ang habol mo!"
"Tse!" Totoo naman kasing nagugutom na ako, eh.
Nang makarating na kami ay nakita na namin sina Ivan, kasama rin nila si Mila. Nahiya tuloy ako dahil napagkamalan ko siyang girlfriend ni Ivan.
"Hello!" Narinig ko agad si Mila na bumati. Sobrang energetic niya talaga.
Bumati rin kami pabalik sa kaniya.
YOU ARE READING
Her Asset
Teen FictionAmery Gem Thompson is a senior high school student in the ABM strand. She promised herself to focus on academics, but she met a guy in the Zoom meeting. She has a crush on him, but it also turns into love. A guy named Ivan Ace Davis, who is in Grade...