Naka handa na sina Ivan sa court.
Nakita kong tinignan ni Darrell si Ivan. Masama ang tingin ni Darrell sa kanya.
Nagtaka naman ako sa aking nakita, galit ba si Darrell dahil makakalaban nya si Ivan?
"Parang magiging maganda ang laban nila." rinig kong sabi ni Fatima.
"Tama ka, magagaling kasi sila, for sure magtatagal ang laban." sang-ayon ko sa kanya.
Narinig ko na magsisimula na raw ang laban.
1st quarter pa lang ng laban ay kita mo na kung gaano ka intense ang laban.
Si Darrell at Ivan ay parang masyadong seryoso sa laro.
Lagi kasi silang 3 points.
"Grabe si Darell at Ivan sa court." rinig kong sabi ni Julianna.
Hindi lang pala ako ang nakapansin.
"Oo nga, ang seryoso nila mag-laro." sang-ayon sa kanya ni Fatima.
Seryosong nanonood naman si Keith at Migs.
Lumingon ako ulit sa harap at nanood.
Patapos na ang 1st quarter ng game, ang bola ay na kay Darrell. Saktong pag shoot ng bola ay tapos na rin ang oras.
Sila ang nanalo sa 1st quarter. Lamang sila ng tatlong puntos kina Ivan.
ABM- 50
STEM- 471st quarter pa lang naman, may tatlo pa.
Nang mag break na ay pumunta rito sa pwesto ko si Ivan.
"Ayos ka lang ba? Bawi nalang 2nd quarter." pag cheer ko sa kanya.
Tumango sya saakin.
"Nag-usap kami kanina ni Darrell. He said, he's planning to ask you if you can be his date this coming Valentine's Day." nagulat ako sa sinabi nya.
Next month na nga pala ang event na yon.
"And I said, I'm also planning to ask you to be my date." mas nagulat naman ako sa sinasabi nya.
"Sinong pililiin mong maka date, Amery?" seryosong tanong nito saakin.
Para maging patas ay naka isip akong paraan.
Huminga muna ako ng malalim.
"Kung sino ang mananalo, sya ang i d-date ko." sagot ko rito.
Nakita ko naman ang pag ngisi nya.
"Now I have another reason to win this game." bulong nya.
Paalis na sana sya para pumunta sa court nang magsalita akon
"Win this game, Ivan." seryosong sabi ko sa kanya.
Tumango ito saakin..."I will, Amery." binigyan nya ako ng isang matamis na ngiti.
Ang akala ko ay aayain ni Ivan ang babaeng gusto nya.
Siguro nahihiya yon kaya ako nalang ang naisipang i date.
Required kasi yon sa Valentine's Day namin.
Pwede namang mag partner dito ang lalake sa lalake at babae sa babae.
Binaliwala ko muna ang mga iniisip ko, focus muna ako sa game.
2nd quarter na.
Nag-umpisa na ang laro, napansin ko ang pagiging ganado ni Ivan sa laro.
Sunod-sunod ang 3 points nya dahilan para matambakan sina Darrell.
Hiyawan din ng mga tao ang dinig ko.

YOU ARE READING
Her Asset
Novela JuvenilAmery Gem Thompson is a senior high school student in the ABM strand. She promised herself to focus on academics, but she met a guy in the Zoom meeting. She has a crush on him, but it also turns into love. A guy named Ivan Ace Davis, who is in Grade...