Chapter 22

33 9 0
                                    

Nanatili ang mga mata ko sa kaniya. Tanging pangalan lang ang nasabi ko.

"Bakit nandito ka?" 

Hindi ko na kinaya ang katahimikan kaya nagsalita na ako.

"Dahil nandito ka." Sabi ni Ivan.

"Dahil nandito ako? Hindi mo nga ako pinapansin, tapos pupuntahan mo ako rito? 'Di ba, heto ang gusto mo, ang hindi pansin ako? Kapag tinatanong naman kita, wala kang sinasabi sa akin. May nagawa ba ako sa 'yo?"

Hindi ko na napiligilan ang sarili ko at naibuhos ko sa kaniya ang mga tanong na gusto kong masagot niya.

"I'm sorry, Amery. Wala kang ginawang masama, ako ang may kasalanan. Choice ko na hindi ka pansinin. Dahil-" 

Pinutol ko ang sasabihin niya. 

"Dahil ano? Dahil ba may girlfriend ka na? Kaya hindi mo na ako pinapansin kasi 'pag pag-seselosan lang ako ng girlfriend mo?"

"Girlfriend?" Nagtatakang tanong ni Ivan sa akin.

Bakit parang hindi niya alam? Ang sweet pa lang nila sa library tapos magkasama pa lang sila kanina.

"Si Mila, 'di ba? Nakita ko kayong dalawa sa library na magkayakap. Tapos lagi kayong magkasama, kahit kanina kasama mo siya, hindi ba?"

Nakatingin lang si Ivan sa akin at nagpipigil ng ngiti. Sinamaan ko siya ng tingin. Pinagtatawanan niya ba ako?

"Ano? Totoo ang sinabi ko 'di ba? Tapos mag tatanong ka kung anong girlfriend."

"Amery, totong magkayakap kami sa library, totoo rin na magkasama kami. Pero-"

"Ivan, hindi mo kailangang i-deny kung anong meron kayo, okay?" Pinutol ko ulit ang sasabihin niya.

Bumuntong hininga siya. "Patapusin mo muna ako, please?"

Wala akong nagawa kung hindi ang makinig sa kaniya.

"She's not my girlfriend, Amery."

"Pero bakit kayo magkayakap kung hindi mo siya girlfriend?!"

Natawa siya sa sinabi ko. "Wait, are you jealous, Amery?" 

"Hindi ako nag-seselos!" 

"You're being obvious, Amery." Sabi niya sa akin na natatawa pa rin.

"Hindi nga kasi. Bakit ang kulit mo?"

"Don't worry. Mila is my cousin."

C-cousin? Akala ko…

"T-totoo? Hindi mo siya girlfriend?" Tanong ko sa kanya.

Umiling siya sa akin. "No." 

"Sorry. Akala ko kasi siya yung ABM student na gusto mo. I'm sorry, Ivan."

Ang tanga ko naman kasi!

"Sinong nagsabi na siya ang ABM student na tinutukoy ko?"

Nakayuko ang ulo ko sa harap niya, ayaw ko siyang tignan sa mata, nahihiya ako sa kanya. 

"Wala, akala ko lang na siya 'yon." Mahinang sabi ko.

"Amery, I'm sorry sa pag-iwas ko sa 'yo. Gusto kong umiwas sa 'yo kasi kapag mas lalo akong mapalapit sa 'yo ay hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko."

"Anong sinasabi mo?" Hindi ko siya maintindihan.

"I like you, Amery." Seryosong sabi niya sa akin.

Inangat ko ang ulo ko sa kaniya at tinignan siya sa mata. Seryoso ang mga mata niya.

Her Asset Where stories live. Discover now