Chapter 18

35 10 0
                                        

Natapos na ang overnight swimming namin pero hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Ivan sa truth or dare.

"Anak, kakain na!" rinig kong sabi ni Mama.

Bumaba agad ako at pumunta sa dining.

Umupo na ako at nagsimulang kumain.

"Kumusta ang swimming nyo?" tanong ni Papa sa akin.

"Sobrang saya po. Nag enjoy po ako!" masayang sabi ko sa kanila.

"Mabuti at nag enjoy ka." sabi ni Mama.

"Nakapili ka na nga pala ng gown na susuotin mo para sa valentine's party nyo?" tanong ni Mama sa akin.

"Hindi pa nga po ako nakapili, maganda po kasi lahat." sagot ko kay Mama.

"Gusto mo bang tulungan kita?" tanong nya sa akin.

Umiling ako."Hindi na po Mama, kaya ko na po." sagot ko.

Tumango ito sa akin.

"Si Ivan ang ka date mo sa valentine's?" kinabahan naman ako sa tanong ni Papa.

"Y-yes po." sagot ko.

Tumango lang ito sa akin at nagpatuloy nang kumain.

Pagkatapos kumain ay umakyat na ako sa kwarto para mapag handaan ang valentine's party.

Tanungin ko muna sila kung may susuotin na sila.

Amery:
May napili na ba kayong susuotin sa party?

Fatima:
Yes, meron na ako!

Julianna:
Meron na rin ako!

Buti pa sila.

May napili na kayang suit si Ivan?

Habang nakahiga sa kama ay may nag notif sa akin.

Ivan:
Hi, Amery.

Ivan:
Anong kulay ang susuotin mong gown?

Amery:
Beige, bakit mo natanong?

Ivan:
Nothing.

Ivan:
Susunduin kita sa bahay nyo, mag-papaalam din ako sa parents mo.

Amery:
Huwag ka na mag-abala, Ivan. Ayos lang naman.

Ivan:
You're my date, Amery. You're my responsibility.

Namula ang pisngi ko sa chat nya.

Hindi ko alam ang ire-reply ko sa kanya.

Kalma lang, Amery. Focus!

Amery:
Sige, sasabihan ko nalang sina Mama.

Ivan:
Okay. Bye, Amery.

Amery:
Bye.

Excited na ako sa party! Partner ba naman kayo ng crush mo. Kaso, may ibang gusto, ang daya naman!

Kinabukasan ay pumasok na ako ng school. Panibagong kalbaryo na naman. Hindi na bale, last semester nalang naman tapos Grade 12 na kami. Konti nalang graduation na!

"Ang aga mo ata ngayon?" tumingin ako sa gilid ko nang may nagsalita, si Julianna pala.

"Excited kasi ako." sarkastiko kong sabi.

Pabiro ako nitong inirapan kaya tinawanan ko siya.

"Excited na ako sa Valentine's Party, Amery!" tumitiling sabi ni Julianna.

Tumango ako rito. "Ako rin, excited na ako!" excited na sabi ko sa kaniya.

"Excited na rin kami!" nagulat ako nang may sumigaw, sina Fatima, Migs, at Keith pala.

"Kaso, wala pa akong susuotin, kulay ng gown lang kasi alam ko." Problemado kong sabi.

"Tulungan ka naming pumili, Amery!" sabi ni Fatima at tumango naman si Julianna.

Pinakita ko sa kanila ang mga pictures ng gown na pinagpipilian ko.

Natawa naman ako sa kanila dahil ang seryoso nilang tumingin sa mga pictures, parang kinikilatis talaga nang mabuti eh.

"Ang ganda nito, Amery!" sigaw ni Fatima sa akin.

"Bagay na bagay sa iyo yan!" sang-ayon naman ni Julianna.

Tinignan ko naman ang sinabi nilang magandang gown. It is a v-neck tube-top puffy gown, a simple yet elegant beige gown.

"Ang ganda nga." namamangha kong sabi.

"Ayan! May susuotin na lahat tayo!" masayang sabi ni Julianna.

Maya-maya pa ay pumasok na ang Teacher namin at nag klase na kami. Wala naman kaming masyadong ginawa dahil kasisimula pa lang naman ng 2nd semester.

Pagkatapos ng klase ay pumunta na kami sa cafeteria para kitain ang mga stem students.
Buti naman, miss ko na eh.

"Dito kayo!" pagkapasok pa lang ay dinig ko na si Laurence.

Nauna na pala sila sa amin. Pumunta kami sa pwesto nila at umupo, hinanap agad ng mga mata ko si, Ivan.

Nang magtagpo ang mga mata namin ay nginitian ako nito, gumanti naman ako ng ngiti sa kaniya. Buo na agad ang araw ko dahil sa ngiti niya.

Habang kumakain kami ay nag kwentuhan lang kaming magkakaibigan.

"Ilang araw nalang at Valentine's Party na." sabi ni Fatima.

"Excited na yung isa jan!" may bahid na pang-aasar ang boses ni Laurence.

Nakita ko namang pasimpleng siniko ni Ivan si, Laurence.

"Chill ka lang, Ivan, huwag ipakitang guilty ka." sabi ni Laurence at tinawanan si Ivan.

Tumawa rin si Kent sa sinabi ni, Laurence. Sila lang ang nagkakaintindihan. Hinayaan ko na sila at kumain nalang.

Ang bilis ng panahon. Valentine's Party na bukas, kinakabahan ako pero excited din. Maaga akong natulog nung gabing iyon.

Kinabukasan ay nakita ko na ang mga mag-aayos sa akin at ang gown na susuotin ko. Mas maganda pa sa personal ang gown kaya mas lalo akong namangha.

"Ayan na pala si bebe!" excited na sabi ng isa sa mag-aayos sa akin.

Ngumiti ako sa kanila at umupo sa upuan para masimulan na nila akong ayusan.

"Good morning po." bati ko sa kanila at binati nila ako pabalik.

Habang inaayusan nila ako ay napakaraming bagay ang pumapasok sa isip ko, kinakabahan ako dahil alam kong mamaya ay susunduin ako ni, Ivan. Pero excited naman ako dahil makakasama ko siya, sana ganon din siya sa akin.

"Ayan tapos na!" bumalik ako sa reyalidad nang magsalita ang make-up artist na nasa likuran ko.

"Ang ganda naman ng bebe na yan." dinig kong sabi nila.

Sus, nambola pa.

Tinignan ko ang mukha ko sa salamin. Napangiti ako nang makitang simple lang ang ginawa nila sa akin pero ang ganda ng kinalabasan.

Pagkatapos akong ayusan ay isinuot na sa akin ang gown. Pakiramdam ko ay isa akong prinsesa ngayon.

Lumingon ako kay Mama at Papa, nakita kong natatingin sila sa akin at naka ngiti.

"Dalaga na ang prinsesa ko." emosyonal na sabi ni Papa.

"Baby niyo pa rin naman ako." sagot ko kay Papa kaya natawa sila ni Mama.

"Ayan na pala ang prinsipe."

"Sinusundo niya na ang kaniyang prinsesa."

"Ang gwapo naman ng batang to!"

Natigil kami sa tawanan nang marinig ko ang mga make-up artist ko.

Tinignan ko ang tinutukoy nila.

He is wearing a beige 3-piece suit, beige pants, and black shoes. Tama ang hula ko, siya na nga ito.

Ang gwapo nya. Sobrang gwapo nya.

Ivan

Her Asset Where stories live. Discover now