Chapter 32

27 8 0
                                        

Nagising ako nang marinig ko ang huni ng ibon. Hindi ako nakahiga sa malambot kong kama. Nakahiga ako sa matigas na bagay.

Nang imulat ko ang aking mga mata ay bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Ivan. Nakayakap din ang kamay niya sa aking bewang. 

Naalala ko ang nangyari kagabi. Nakatulog na pala ako sa loob ng tent ni Ivan. Ang plano ko lang naman ay samahan siya hanggang sa makatulog siya. Pero nakatulog ako.

Gising na kaya ang mga kaibigan namin? Nahihiya akong lumabas ng tent. Baka kung ano ang isipin nila.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay ni Ivan sa bewang ko. Handa na akong bumangon nang marahan akong hilain ni Ivan pabalik sa tabi niya. Niyakap niya nang mahigpit ang bewang ko.

"Ivan, kailangan na nating bumangon"

Niyakap niya lang ako nang mahigpit. Isiniksik din niya ang kanyang ulo sa aking leeg. 

"5 minutes, baby."

Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko. Hinayaan ko siya sa ganong posisyon. Mukhang inaantok pa talaga siya.

Ilang minuto ang lumipas ay narinig ko na ang ingay sa labas. Mukhang gising na sila. Naririnig ko rin ang kanilang mga boses.

"Nakita niyo ba si Amery?" Fatima.

"Bakit? Sa tent niyo siya natulog, 'di ba?" Migs.

Napapikit na lang ako sa hiya. Paano na ako lalabas nito? 

"Oo, pero nung gumising na kami ay tatlo na lang kaming nasa loob ng tent." Julianna.

Bumalot ang katahimikan sa labas. Ilang segundo ang nagdaan nang binasag ni Laurence ang katahimikan.

"Naiisip niyo ba ang naiisip ko?" Laurence.

Narinig ko ang mahinang hagikgik ni Mila sa labas.

"Hindi pa nagigising si Ivan. Wala rin si Amery dito. Magkasama kaya silang natulog?" Fatima.

Narinig ko ang tawa nila sa labas. Mukhang may ideya na sila sa nangyari.

"Tumpak!" Mila.

Tinignan ko si Ivan. Natutulog pa kaya siya? O naririnig din niya ang sinasabi nila sa labas?

"Baby, stop overthinking."

Nagulat ako nang sumagot siya. Parang nalaman niya ang nasa isip ko. 

"Nahihiya akong lumabas, Ivan."

Tinago ko ang mukha ko sa kanyang katawan. Pero tinawanan niya lang ako. Mahina ko siyang hinampas sa braso. Hinuli niya naman ang kamay ko. Bumangon na siya at umupo.

"Let's go, baby. Kakain pa tayo ng breakfast."

Pero umiling lang ako sa kanya. 

"Nahihiya akong lumabas, Ivan. Baka kung ano ang isipin nila."

"We didn't do anything wrong, baby. Get up."

Wala na akong nagawa kung hindi ang bumangon. Si Ivan ang nagbukas ng tent. Siya ang unang lumabas. Nakasunod naman ako sa kanya. Nagtago pa ako sa likod niya.

Paglabas namin ng tent ay ramdam ko na ang awkward ng atmosphere. Sumilip naman ako nang bahagya. Ang mga boys ay kumakain lang, si Laurence naman ay nang-aasar ang tingin.

Nang tignan ko ang mga girls ay nakangiti sila sa akin. Pero ngiting nang-aasar ang binigay nila sa akin. Kinindatan pa ako ni Fatima. Para saan 'yon?

"Good morning, guys. Kain na kayo." 

Si Fatima na ang bumasag sa katahimikan. Tumango lang ako sa sinabi niya. Nagpaalam ako para mag-hilamos. Nakita kong naghilamos din si Ivan.

Pagbalik ko ay umupo ako sa upuan. Kumuha na rin ako ng pinggan naming dalawa ni Ivan. Binigyan ko na rin ng pagkain ang pinggan ni Ivan.

Her Asset Where stories live. Discover now