Chapter 28

27 8 0
                                        

Natapos ang midterms namin kahapon. Finals na lang ang aalalahanin namin. Final defense na lang. Pagkatapos ay ang examination.

Nandito ako ngayon sa bahay ng classmate ko. Ginagawa namin ang aming research. Binigyan kami ng time para matapos na namin ito. 

Ang hirap dahil hindi ko kasama ang mga kaibigan ko. Hindi ko sila
ka-group sa research. Sinadya iyon ng teacher namin.

Kaunti na lang naman ay tapos na kami. May iilan na lang kaming rrl na hinahanap. Pahirapan din kasi ang paghahanap sa rrl.

I'm just hoping na ma-defend namin ang thesis namin. Exam na lang ang aalalahanin namin no'n.

Mas mahirap ang Grade 12 para sa akin. Pero ayos lang dahil malapit na rin naman ang graduation namin.

Natapos na kami sa aming ginagawa. Malaki rin ang naging improvement ng aming study. Nakapag-survey na rin naman kami. Inaayos na lang talaga ang ibang parts.

Nang makauwi sa bahay ay diretso ako sa aking kwarto. Gagawa naman ako ngayon ng performance.

Saglit ko lang na ginawa iyong peta ko. Kumain na ako ng hapunan. Nagpaalam na ako na mauuna na akong kumain, dahil may gagawin pa ako.

Pagkatapos kong kumain ay
nag-review ako. May quiz kami bukas. Kahit pagod na ako ay nag-review muna ako. Major subject pa naman ang quiz bukas. 

Tapos na akong mag-review. Naghilamos na ako para makapag pahinga. Nang humiga ako sa kama ay nag-alarm na ako. Maaga pa akong gigising bukas.

Unti-unting ipinikit ko ang aking mga mata. Naramdaman ko rin ang matinding pagod. Heto na lang ang pahinga ko. Nakatulog agad ako dahil sa pagod.

Nagising ako sa tunog ng alarm. Ayaw ko pang bumangon. Kulang pa ang tulog ko. Pero no choice naman ako. 

Ginawa ko na ang routine ko sa umaga. Nagpaalam na rin ako sa parents ko na papasok na sa school. Alam kong nasa labas na si Ivan at hinihintay ako.

"Good morning, Amery. How's your sleep?" 

"Good morning, too. Kulang pa ang tulog ko. Napuyat ako dahil sa pag re-review."

"Don't forget to take care of yourself, Amery. Baka magkasakit ka."

Lagi niya talaga akong pinapaalalahanan na huwag masyadong mag-pagod. Baka raw kasi magkasakit ako.

"Malapit na rin naman ang bakasyon natin. Discussion and isang peta na lang naman ang tatapusin ko. Pagkatapos ay defense na. Tapos examination na lang."

"Kaya mo yan. Nakayanan mo na noon 'yan, mas kakayanin mo ngayon."

"Thank you, Ivan."

Nakarating kami sa school. Hinatid niya ako sa room. Vacant namin ngayong umaga. Gagamitin namin ang time para tapusin ang aming thesis. Proofreading na lang naman ang gagawin namin. 

Nang matapos na kami sa aming ginagawa ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Natapos lang namin ito pero, hindi pa ito na-defend. 

Manifesting thesis defended!

Ginagawa namin ngayon ang last peta namin. Buong section na ito. Hindi na by group. Dalawang araw namin itong ginagawa. Napadali lang ang aming gawain dahil nagtulungan kaming lahat.

Pagkatapos ng klase ay nakita ko na agad si Ivan na hinihintay ang paglabas ko. 

"May gagawin ka ba mamaya?" Tanong niya.

"Wala naman. Tapos na ang peta namin at thesis. Pinaghahandaan na lang namin ang defense at exam. Bakit?"

"Kain muna tayo sa labas. My treat."

Her Asset Where stories live. Discover now