07

44 2 0
                                        

. . .










Tahimik lang na pinapanood ni Nella ang kapatid na nakakalong kay James na siyang nakipagclose na agad.. Hindi pala-kaibigan ang kapatid niya kung hindi maganda o gwapo ang kakusap sakaniya. Siguro nagwapuhan nga ito kay James dahil kung makadikit ito'y parang akala mo sila na ang magkapatid. Marami na siyang ipinakilala sa kapatid na mga kaklase niya noon pero sinusupladuhan lang nito, pwera kila Karl at Bj dahil close din ito sa mga kaibigan niya. Pero kasi iba iyong pagiging close nito sa binata dahil dikit na dikit talaga.

"Mukhang close na close na kayo ni Bebe boy, ah.. Bebe boy? Gusto mo na ba talaga ng kuya?" panunukso ni Michelle na tinawanan naman ni Maeya. "Kung gusto mo na ng kuya, itakwil mo na si Ate mo para sa amin na lang si Ate mo.."

"Ayoko po, love love ko 'yan si Ate kahit pangit siya.."

Napaangat naman ang nguso ng dalaga sa sinabi ng nakababatang kapatid saka ito inirapan.. Si James naman ay natawa lang at niyakap lalo ang maliit na katawan na kalong niya. Babae ang kapatid niya at nasa tatlong taong gulang.. Mahal niya naman ito, sobra-sobra at ang kapatid na nga niya ang tinuring niyang pahinga sa twing pagod siya galing gala o eskwela. Pero hiniling niya din noon na magkaroon ng lalaking kapatid kaya sobrang gusto niyang maging close ang kapatid ni Nella, nung una palang niya itong nakita.

"Si Ate ba, bebe boy.. May ikinukwento sa'yong boys? Like, crushes?" pang-uuto ni Maeya..

Umiling-iling naman ang paslit, at sa ginawa nitong pag-iling ay tumama sa mata nito ang mahaba nitong bangs kaya marahang hinawi iyon ng binata. "Pinipilit ko nga po si Ate pero palagi niyang sinasabi na ako lang daw po ang boy sa buhay niya, 'di ba, Ate?"

Tumingin naman ang magbabarkada kay Nella na tumango.. "Opo. Ikaw lang.."

"..saka si Kuya Harvin po, 'di ba?"

"ARRUUUYY!"

"SHIP NAMAN PALA!"

"MAY LUMALAYAG NG BAGONG BARKO!"

"YUN, OH! JAMES, PASADO KA NA AGAD KAY YAWBITS!"

"YOW! YAWBITS!"

Nakangiting umiling-iling si James at napatago ang mukha sa likod ng kapatid ni Nella.. Humahahikgik naman ang bata dahil ang paningin ng Ate niya ay masama, tila naiinis na sakaniya..

"James, ah.. Kaya pala.. Sipsip kang gunggong ka!"

"H-hoy! Wala akong ginagawa, ah! Siya nagsabi non!"

"President Camero pala, ah.. Okay! Chika ko 'to kay Sir Dan.."

"Huy, baliw 'wag!" lingon ng binata kila Michelle na napahagalpak ng tawa.. Ang kukulit nila habang nasa byahe, imbes na mainis ang drive nila, tumatawa pa't nakikisali sa asaran lalo na kapag tungkol kay James at Nella.

"Wow, ang ganda naman po dito.. Ngayon lang ako nakapunta sa ganito." mangha na sabi ng paslit, hawak siya sa kamay ni James na nakapamulsa ang isang kamay. Si Nella naman ay nakakrus ang mga braso na nasa likod lang nila, nagbabantay sa kapatid. "Ate, 'di ba?? Nakakain ka na po dito? Nung nagmeeting kayo ni Ma'am Jams?"

"Mm.. Dito yung sinabi ko sa'yong dadalhin kita, kaso nagkasakit ka."

"Ay! Sayang pero okay lang! Dinala naman ako ni Kuya Harvin!"

"Tumahimik ka na nga, ang daldal mo talaga.."

"Hayaan mo na.." tatawa-tawang saway ni James kay Nella na bumuntong-hininga na lang.

Inalalayan ng binata na maupo ang kapatid ng dalaga sa may gitna saka siya umupo doon sa sulok, si Nella naman ay umupo sa kabilang side ng kapatid, pinagitnaan nila ni James..

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now